Naaalala mo pa ba si “Casper the Friendly Ghost?”

  • Kinaaliwan ng mga “batang 90’s” ang throwback photo ni “Casper The Friendly Ghost”
  • Siya ay isang cartoon character na unang sumikat noong 1945 hanggang 1995
  • Mula sa comics, nagkaroon ito ng television cartoon series, hanggang sa maging live-action film

Ano ang magiging reaksyon mo kung maririnig mo ang salitang “multo”? Matatakot ka ba dahil naniniwala ka rito o ipagkikibit-balikat lamang ito?

Subalit alam mo bang may multong hindi nakatatakot, at bagkus ay nagdudulot ng pagkaaliw? Siya ay walang iba kundi ang cartoon character na si “Casper” na tinaguriang ‘The Friendly Ghost”. Muling nanariwa sa gunita ng mga netizens, lalo na ang mga “batang 90’s”, ang ibinahagi sa Facebook post ng nagngangalang “Cary Diaz” sa page na “Memories of Old Manila and the Old Philippines”.

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila and the Old Philippines

“Ang multong hindi nakatatakot! 1945 pa nagsimula ang story niya sa komiks. Natatandaan ninyo pa ba? ayon sa caption nito.

Agad namang nagbigay ng reaksyon at komento rito ang mga netizens lalo na ang mga kinalakhan si Casper at ang mga kaibigan nito.

“Namiss ko si Casper! Sa lahat ng ghost iyan ang hindi nakakatakot,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Iyan ang favorite cartoon ko noon, si Casper The Friendly Ghost saka sina Popeye at Gambie. Baka hindi na kilala ng mga bata ngayon.”

“Iyan ang kinahiligan kong palabas noong paslit pa lang ako. Pero ilang taon na ang nakalilipas, hindi pa rin malinaw kung ano dahilan bakit siya naging multo hehehe.” saad naman ng isa.

Si “Casper the Friendly Ghost” ay ang bida sa animated cartoon series na may katulad na pangalan, at ang pangunahing mga kontrabida ay ang tatlong salbaheng uncles niya na “the Ghostly Trio”.

Una itong sumikat noong 1945 sa comics, at hindi naglaon ay naging television series, kagaya ng Matty’s Funday Funnies (1959-1961), The New Casper Cartoon Show (1963-1970), Casper and the Angels (1979-1980), The Spooktacular New Adventures of Casper (1996-1998) at Casper’s Scare School (2009-2012).

Public Domain Image

Noong 1995, naisapelikula ito ng Universal Pictures bilang live-action film na may pamagat na “Casper”.

Samantala, masayang balikan ang panahong ito ni Casper:

Loading…