“Nag-doorbell ako”: Yorme sinariwa ang unang role sa pelikula

Imahe screen shot mula sa ABS-CBN Ent. - YT
  • Ibinahagi ni Yorme kung ano ang unang role niya sa pelikula
  • Masayang ikinuwento ng alkalde ang pagsisimula niya sa showbiz
  • Inalala rin ni Yorme kung paano binago ng showbiz ang buhay niya

‘Di maipagkakaila na ang kuwento ng buhay ni Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Domagoso na ngayon ay mas kilala sa tawag na “Yorme” ay maituturing na inspirasyon lalo na para sa mga baguhan sa showbiz at pulitika.

Nang mag-guest si “Yorme” nitong Biyernes sa ‘Magandang Buhay’, muling sinariwa ng actor-politician kung paano nga ba siya nagsimula sa pinilakang tabing kung saan siya nakilala bilang si Isko Moreno.

Kuwento ng butihing alkalde, nadiskubre siya noon ng talent manager na si Wowie Roxas sa isang lamay sa Tondo, Maynila.

Yorme at Daddy Wowie| Imahe mula sa Magandang Buhay – YT

Hindi rin naiwasang itanong kay Yorme kung ano ang unang role niya noon nang sumabak na siya sa pelikula.

“Nag-doorbell ako. Ang call time ko ay alas-9, alas-8 nandoon na ako. Hindi ako nakuhaan. Alas-9, chicha, tanghalian na. Noong araw usong-uso pa ang meryenda, limang chicha ‘yan. Meryenda, dinner at midnight snack,” masayang kuwento ni Mayor Isko.

Subalit nakunan umano siya ng eksena noong alas-4 na ng umaga kaya nanatili lamang siyang naghintay sa loob ng kuwarto. Binanggit din Isko kung sino ang unang artista niyang nakaeksena.

“Kinuhaan ako alas-4 ng umaga para lang pumindot ng doorbell at hanapin ko si Eric Fructuoso, siya ang main cast. Pagpindot kong ganyan, P1,500,” patuloy nito.

Imahe screenshot mula sa Magandang Buhay-YT

Pagbabahagi pa ni Yorme, noong araw ay malaking halaga na para sa kaniya ang P1,500 dahil katumbas na ito ng kikitain niya sa loob ng isang buwang pamamasada ng side car.

Malaki umano ang naging pasasalamat niya sa Diyos, at maging kina Kuya German Moreno at ‘Daddy Wowie’ dahil dito niya nakita ang halaga ng kaniyang trabaho.

“You are being paid to wait,” wika nito.

Ibinahagi rin ng alkalde kung paano siya nag-aral ng mga bagong bagay para lamang sumikat at kung paano nabago ng showbiz ang kaniyang buhay.

Panoorin ang kuwelang panayam kay “Yorme”:

Loading…