Naghabol ka rin ba ng report para sa susunod na subject noon?

Imahe mula sa Canva at Facebook
  • Bahagi na ng buhay mag-aaral ang pag-uulat sa klase, kaya naman nang magbahagi ang isang Facebook page ng larawan ng estudyante na gumagawa ng report ay marami ang naka-relate dito
  • Kaniya-kaniya silang balik-tanaw sa mga naging karanasan sa reporting
  • Anila, kahit maraming pagsubok na pinagdaanan kagaya ng paghahabol para sa reporting sa susunod na subject ay kabilang ito sa magagandang memorya nila sa buhay mag-aaral

Isa sa ‘di malilimutang alaala ng buhay mag-aaral ay ang pagpapangkat-pangkat o groupings sa pag-uulat ng topic na iaatas ng guro. Nasusubok dito ang team work ng mga magkaka-klase at kung minsan ay dito rin nabubuo ang matibay na pagkakaibigan.

Imahe mula sa Facebook

Ngunit hindi maiiwasan na magkasabay-sabay ang mga reporting sa mga klase, dahilan upang kapusin sa oras ang mga estudyante. Naranasan mo na rin bang mangarag sa paggawa ng visual aids para sa iyong ulat sa susunod sa asignatura?

Nagbahagi ang isang Facebook page ng larawan na naging dahilan upang balikan ng netizens ang mga panahon na nag-aaral pa lamang sila. Makikita rito ang isang estudyante na nakayuko sa dulong bahagi ng silid habang nagsusulat sa isang Manila paper.

“Yung sa next subject na report ninyo pero hindi ka pa nakagagawa,” saad nila sa caption.

Imahe mula sa Facebook | Joshua Austria

Kaniya-kaniyang kuwento naman ang mga netizen ng kanilang karanasan sa pag-uulat. “Mas challenging kapag first period. Habang nagre-report yung first group, gumagawa pa lang kami,” pagbabahagi ni J. Garibay

Para naman sa ilan, extra challenge kapag paubos na ang tinta ng marker at papel. “Tapos may ka-grupo ka pang ayaw mag-report o kaya umabsent kaya ikaw ang sasalo,” ani D. Herron.

Sa kabila ng mga ito ay magandang alaala pa rin na maituturing ang reporting para sa marami. Lalo na kapag sinuswerte ang mga grupong hindi nakapaghanda dahil inabutan na sila ng bell para sa susunod na klase.

Ano ang ‘di mo malilimutang karanasan sa pag-uulat noon?

Source :

Facebook

Loading…