Nakatikim ka na ba ng sinaing na tulingan sa kamias with bacon?

  • Ibinahagi ng isang netizen ang kaniyang recipe
  • Ito ay ang sinaing na tulingan sa kamias with bacon
  • Inisa-isa niya ang mga sangkap, hakbang at paraan ng pagluluto nito

Kung mga paboritong ulam din lamang ang pag-uusapan, tiyak na isa sa mga mangunguna sa listahan ang mga lutong Pinoy na may maasim na sabaw, kagaya ng sinigang. Hangga’t maaari, mas mainam gamitin ang mga natural na sangkap na pampaasim kagaya ng sampalok, calamansi, lemon, o kaya naman ay kamias.

Kaya naman, kinatakaman ng mga netizens ang Facebook post ni “Felix Lesaba III” ang kung saan ibinahagi niya ang kaniyang nilutong “sinaing na tulingan sa kamias ” na talaga namang nakapagpapatulo ng laway at mapapasabak ka sa mainit na kanin. Ang twist nito, nilagyan pa niya ito ng bacon.

Imahe mula sa Facebook account ni Felix III

“Done cooking sinaing na tulingan sa kamias with bacon. Ito na po order ninyo mga suki kong kaibigan,” ayon sa kaniyang caption.

Ibinahagi ni Felix ang mga sangkap at hakbang sa pagluluto ng kaniyang sinaing na tulingan. Para sa mga sangkap, kinakailangan ang mga sumusunod: nilinis na tulingan (tiyaking maayos na nalinis), 11 hanggang 15 piraso ng pampaasim na kamias, 4 hanggang 7 tasa ng tubig, 4 hanggang 5 kutsara ng salt sea o rock salt.

Maaari ding magsama ng dahon ng saging subalit opsyonal lamang. Isama rin ang mga pampalasa gaya ng paminta, vetsin, luya, mantika, at tubig. Huwag kalilimutan ang bacon na magiging twist ng putahe.

Para naman sa hakbang, “Pipisain mo yung tulingan sa asin, yung ma-flat lang siya nang kaunti, huwag sobra. Tapos sa kawali ilagay ang kamias, hiwain mo ang nasa ilalim ng isda, ihilera sila nang magkakapatong, lagyan ng tubig,  yung lubog ang tulingan,” aniya.

Sa pagpapatuloy, “Lagyan ng taba ng baboy (bacon) para masarap, tapos isunod ang paminta, vetsin, at luya para hindi malansa. Lutuin lamang sa medium fire para unti-unting naluluto; mas matagal, mas masarap para malambot apti ang tinik. Tikman ang sabaw kung maayos sa alat at asim, tapos kapag malapit nang maluto, lagyan ng langis ang ibabaw para hindi matuyuan.”

Imahe mula sa Facebook account ni Felix III

Maaari na itong ihanda sa inyong hapag-kainan kasama ang mainit na kanin! Ang sarap, hindi ba?

Source :

Facebook

Loading…