Napapanahon ba? Netizens naglabas ng saloobin sa pagpapalit ng pangalan ng NAIA

Imahe mula sa PNA
  • Hati ang mga netizens sa planong pagpapalit ng pangalan ng NAIA
  • Marami ang nais na ibalik na lang ito sa MIA
  • Marami rin ang nagsasabing hindi ito napapanahon

MAYNILA, Pilipinas – Marami ang tumututol subalit marami rin ang sang-ayon sa panukala ng ilang mambabatas na palitan na ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at gawin itong “Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas.”

Ang nasabing panukalang batas ay inihain ni Deputy Speaker at Davao City Rep. Paolo Duterte sa ilalim ng House Bill No. 7031. Co-author din sa nasabing panukala sina Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco at ACT-CIS party-list Rep. Eric Go Yap.

Rep. Paolo Duterte| Imahe mula sa Facebook

Karamihan sa sang-ayon ay nagsasabing panahon na para palitan ang pangalan ng NAIA dahil hindi naman umano ito pag-aari ng pamilya Aquino. Ang NAIA ay isinunod kay dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino, Jr.

Ang ilan naman ay nais ibalik na  lang ang dating pangalan nito na Manila International Airport o MIA. Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens na pabor sa nasabing hakbang:

“It is time we discard all that will remind the Filipinos of divisiveness and partisanships. Erase the symbols of past events which no longer serve the best interest of the whole citizenry.”

“Matagal na dapat ito but I suggest we give back what was taken away, the name Manila International Airport (MIA).”

“Yes pls change the name! Give it a new name, the airport is for every Filipino.”

“Dapat lang, hindi naman pagmamay-ari ng mga Aquino yan.”

“Don’t name any government property to a traitor like Ninoy.”

Hindi napapanahon?

Samantala, tutol naman dito ang ilang netizen dahil hindi umano napapanahon lalo pa’t nahaharap sa pandemiya ang bansa. Eto naman ang saloobin ng mga tutol sa panukala:

“Will this improve the lives of our citizens? Will this curb the unemployment? Will this solve the problems brought about by the pandemic? Will this make us a first world country? Priorities.”

“Yung may panahon kayo sa mga walang kakwenta kwentang bagay , pero tahimik kayo habang dumarami ang nawawalan ng trabaho.”

“There are far more issues that need to be resolve far more important than this.bayan muna bago mga walang kwentang proposals jusmio marimar.”

Imahe mula sa DF Balita

“Yung mas importanteng bill naman. Ang daming walang trabaho na OFW, at nagsarang kumpanya, tulungan muna sila mas impt to kesa pangalan ng airport.”

“Mas inununa pa ang walang kwentang batas kesa sa pagsugpo sa pandemic mga buwaya marami ang nagugutom at nahihirapan ngayon mas inuuna niyo ang walang kwentang bagay.”

Maraming mas importanteng bagay

Maging sina Bise Presidente Leni Robredo at Senador Kiko Pangilinan ay hindi rin pabor sa inihaing batas.

Tanong ni Robredo, nasa gitna ng pandemiya ang bansa subalit ito pa ba talaga ang kailangang pagtuunan ng pansin?

“When I first read it…ngayon pa talaga? Now that we need all hands on deck at magtulong-tulong para labanan ang pandemya?” wika ng Pangalawang Pangulo.

Imahe mula sa VP Leni Robredo Facebook page

Ayon naman kay Pangilinan, maraming problema ang bansa na mas kailangang harapin.

“That should be the least of our concerns now that we are facing the COVID-19 pandemic and millions have lost their jobs and are starving,” anang pangulo ng Liberal Party (LP).

Subalit ayon kay Atty. Larry Gadon panahon na para isakatuparan ang naturang hakbang dahil hindi naman umano talaga bayani si Ninoy kundi isang traydor.

“Maraming salamat sa inyo, Cong. Paolo Duterte, Lord Allan Velasco at Eric Yap, tamang-tama ang inyong ginawa,” ani Gadon.

Loading…