Nasubukan mo na bang mag-chillax sa hukay na may maputik na tubig sa kalsada?

  • Kinaaliwan ng mga netizens ang larawan ng isang lalaking chillax na chillax na nakalublob sa isang maputik na tubig na naipon sa hukay na nasa kalsada
  • Makikitang may bote rin ng beer sa kaniyang harapan
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens

Sa sobrang init ng panahon ngayon, masarap magtungo sa mga nakasanayang pasyalan gaya ng mga beaches, resort, o kahit sa simpleng talon, ilog, o sapa. Masarap lumangoy at mag-relax kasama ang pamilya, kaibigan, katrabaho, kasintahan, o kahit mag?isa lamang. Subalit lahat ng ito ay hindi naisakatuparan ngayong Summer 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.

Kaya naman, kinaaliwan ng mga netizens ang isang larawang ibinahagi sa Facebook page na “Papa” kung saan makikita ang isang lalaking nakalublob sa maruming tubig na naipon sa isang hukay sa kalsada, habang may bote ng beer sa kaniyang harapan. “Chillax” lang ang lalaki at hindi alintana ang maputik na tubig na kinalalagyan, na akala mo ay may instant jacuzzi o bath tub.

Imahe mula sa Facebook page na Papa

Kinaaliwan naman ito ng mga netizens na hindi napigilang magkomento hinggil dito.

“Grabe si Kuya, hindi na mapigilan ang init ng panahon, lumublob na doon sa putikang tubig hahaha, huwag judgmental,  baka siya naman ang naghukay niyan tapos nagse-celebrate lang dahil tapos na sila sa paghuhukay ng kalsada,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Why not ‘di ba? If that makes him happy, go lang! Basta be ready lang sa mga consequences like sakit and all. It’s better to try than never, hahaha.”

“Masama sa kalusugan ang pagtampisaw sa maruming tubig gaya ng paglangoy sa baha, though ginawa namin iyan noong mga bata pa kami. Kapag malakas ang ulan, syempre malakas din ang ragasa ng baha. Humihiga kami sa kalsada; parang swimming pool namin ang lansangan. Those were the childhood days na masarap balikan!” saad naman ng isa.

Sa tuwing papasok ang tag-ulan ay binabalaan ng mga awtoridad ang publiko na huwag maliligo sa baha o maruming tubig dahil sa masamang epekto nito sa kalusugan ng tao. Una, maaaring makainom ng maruming tubig na maaaring magdulot ng diarrhea. Maaari ding magdulot ng sakit sa balat ang pagkababad dito. At ang pinakamatindi, maaaring magkaroon ng sakit na “leptospirosis” na nakukuha mula sa ihi ng daga.

Public Domain Image

Kung hindi talaga mapipigilan ang sariling mag-chillax sa tubig, maaari namang maging malikhain at mag-isip ng mas maayos na alternatibo –tulad na lamang ng isang amang gumawa ng improvised swimming pool para sa kaniyang mga anak gamit lamang ang puno ng saging at trapal. Hndi naglaon ay nakatanggap naman ng inflatable pool mula sa mga netizens na natuwa sa kaniyang kuwento.

Amang gumawa ng DIY pool, nakatanggap ng inflatable pool mula sa netizen

Loading…