Nasubukan mo na rin ba ang “street food dates” kasama ang mahal mo?

  • Ibinahagi sa isang Facebook page ang larawan ng dalawang taong may “street food dates”
  • Marami sa mga netizens ang nagbahagi ng kanilang karanasan hinggil dito
  • Hindi umano mahalaga kung ang unang date ay ginanap sa isang mamahaling restaurant o hindi; mas mahalaga pa rin na espesyal ang nararamdaman sa isa’t isa

Para sa ilang may mga karelasyon, isa sa mga hindi makalilimutang sandali ng pagiging mag-boyfriend at girlfriend ay ang pakikipag-date. Ito kasi ang mga panahong magkasama kayong dalawa ng taong pinakamamahal mo, habang ninanamnam ang inyong mga pagkain, nag-uusap at kinikilala nang malalim ang isa’t isa, maaaring may saliw pa ng musika, maganda at romantikong tanawin, o kaya naman ay napalilibutan ng iba’t ibang kulay ng kandila at talulot ng rosas.

Subalit may ilan namang mas pinipili ang simpleng date lamang. Ang mahalaga, kasama ang mahal. Kahit paglalakad lamang iyan sa tabing-dagat, pamamasyal sa parke o mall, o kaya naman ay pagkain ng street food gaya ng mga “tusok-tusok” at “ihaw-ihaw”.

Iyan ang ibinahagi sa Facebook page na “Papa” na nagpanumbalik sa matatamis na gunita ng maraming mga netizens.

Imahe mula sa Facebook page na Papa / Public Domain Image

Narito ang ilan sa mga ibinahaging karanasan ng ilan sa mga naturang netizens:

“Mas gugustuhin ko pa yung ganito kaysa kumain sa mamahaling resto. Mas meaningful. For me lang naman ah,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Street food dates are the best. Ganiyan din kami ng sweetheart ko noon. Nagsusubuan pa kami ng kuwek-kuwek noon. Sana matapos na ang COVID-19 pandemic para magawa na ang mga dating ginagawa noon.”

“Real talk: Street food dates are the best kapag gwapo/maganda ang kasama. Judgemental pa naman mga tao. Sasabihin, ang poor naman ng dyowa mo kasi street food lang ang nakayanan. Hahaha,” saad naman ng isa.

Pahayag naman ng isa. “Masarap talaga ang mga simpleng bagay lang. Mas tumatatak kasi. Hindi naman importante kung sa mamahaling restaurant kayo nag-date. Masa masarap pa rin yung nagkakilanlan kayo kahit street food lang ang kinain ninyo.”

Public Domain Image

Ikaw, nanaisin mo rin bang maranasan ang street food dates?

Loading…