Netizen may tips sa pagbabayad ng lumobong electric bill

  • Pinag-usapan ng mga netizens ang kumakalat na tips kung paano maipapahayag sa MERALCO ang hinaing hinggil sa pagbabayad ng lumobong electric bill
  • Idaan daw ito sa e-mail; subalit padalhan din ang ERC at Malacañang 
  • Iwasan daw ang paggamit ng masasakit na salita upang hindi balewalain ang e-mail

Isa ka rin ba sa nabigla at nagreklamo sa lumobong electric bills simula noong pabayaran na ang naging electric consumption noong panahon ng Enhanced Community Quarantine?

Ibinahagi ng isang netizen na nagngangalang “Joemerlyn” sa kaniyang Facebook post ang nakita niyang “piece of advice” ng isa ring netizen (na hindi niya pinangalanan) sa pagbabayad ng adjusted electric bills ng MERALCO. Itong netizen na lumikha ng orihinal na post ay nakatanggap ng 40,000 piso sa kaniyang February bill.

Imahe mula sa Facebook

Kaya payo niya, kaysa magtungo sa branch office nila, huwag na lamang daw dahil masasayang lamang ang oras at effort mo.

“DO NOT GO TO THEIR OFFICE/BRANCH – It’s a complete waste of time. Pipila ka nang maaga, tirik ang araw, expose ka pa sa COVID-19, and ang ending, paaasahin ka lang ng makakaharap mo nA may mapapala ka, pero wala, wala, wala!”

Kaya ang mabuting gawin daw, padalhan sila ng e-mail. Ilakip ang electric bill na inirereklamo gayundi ang larawan ng meter reader. Iparating sa kanila ang iyong mga hinaing. Subalit ang pinakamahalaga, padalhan din ng e-mail ang ERC at Malacañang.

“SEND THEM AN E-MAIL INSTEAD. Describe your disappointment. Let them know how stupid and heartless they are. Attach the bill, take a photo of your own meter. Then the most important thing: make sure mo rin na makakatanggap ng copy ang ERC at Malacañang ng email mo,” aniya.

May nangyari naman daw sa estilong ito, dahil ang inireklamo niyang 40,000 piso ay naging 23,000 pa rin. Malaki pa rin, subalit ang mahalaga raw ay napababa naman at doon sila sa inaasahan talaga nilang konsumo.

Paalala pa niya, “So guys, it’s your time to shine. Send them an e-mail and pour your heart out. DO NOT HESITATE. But just avoid using bad words para they won’t have any reason to junk your email.”

Imahe mula sa Facebook

Wala namang masama kung gagawin, hindi ba?

Source :

Facebook

Loading…