Netizen na nag-post diumano ng ‘P10-M bounty’ vs. Gov. Gwen Garcia, lumutang

Imahe screenshot mula sa CDN video
  • Netizen itinangging siya ang nagpakalat ng ‘bounty’ post laban kay Gov. Garcia
  • Hindi umano sa account niya nagmula ito at sa mga kaibigan lang nalaman
  • Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad sa Cebu City ang insidente

MAYNILA, Pilipinas – Kusang dumulog sa mga awtoridad ang isang netizen sa Cebu City na inaakusahang nagpasimula ng kumalat na post na magbibigay umano ng bounty sa makapapatay kay Governor Gwen Garcia.

Kaagad namang itinanggi ni Billy Julio Magdadaro, residente ng Barangay Subangdaku, Mandaue City, na siya ang nasa likod ng nasabing post.

Imahe screenshot mula sa CDN video

Nitong Huwebes nang gabi, lumabas sa social media ang isang post na nagsasabing “10 million reward sa makapatay ni Gov. Gwen Garcia. Lockdown Cebu City giatay!” mula sa isang user na nagngangalang Billy Joe Magdadaro.

Subalit mariing itinanggi ni Magdadaro na siya ang may-ari ng nasabing account at nalaman niya lamang umano ito mula sa kaniyang mga kaibigan kaya siya napilitang lumapit sa mga may kapangyarihan.

Bagama’t mayroon daw siyang Facebook account, hindi niya alam na may gumagamit ng kaniyang pangalan sa social media.

Imahe mula sa Facebook ni Gov. Garcia

Unang lumapit si Magdadaro sa Police Station 2 ng Mandaue subalit pinayuhan siyang dumiretso sa Regional Anti-Cybercrime Unit. Nais lamang daw niyang linisin ang kaniyang pangalan kaya kusa siyang lumutang.

Samantala, patuloy pang iniimbestigahan ng mga operatiba ng Regional Anti-Cybercrime Unit ang naturang insidente at inaalam na kung mayroong katotohanan sa mga sinasabi ni Magdadaro.

Loading…