Netizen nagbebenta ng ‘Pintako’ na laruan online para sa pampa-chemo ng ina

  • Viral sa social media ang post ng netizen na kinilalang si Jay Soriano
  • Nagbebenta siya online ng “Pintako” na laruan upang maipa-chemo ang kaniyang ina
  • Dumagsa naman ang tulong sa netizen na ngayon ay abala dahil sa sunod-sunod na order sa kaniya ng mga netizens

Sunod-sunod ang suporta ang natatanggap ng isang netizen na nagtitinda ng “Pintako” na laruan online.

Imahe mula kay Jay Soriano | Facebook

Sa post ni Jay Soriano sa Facebook noong June, nanawagan siya sa mga nais bumili ng mga “Pintako” na laruan at iba pang art materials na kaniyang ipinagbibili.

Para umano ito sa pampa-chemo ng kaniyang ina na lumalaban ngayon sa Big C at siyang katatapos lang sa naunang operasyon kaugnay ng nasabing sakit.

“Good afternoon to everyone. I’m selling this art materials for the benefits of my nanay. This is a fund raising activity that will support my Nanay’s chemotherapy,” aniya.

“All the proceeds will be a great help for us, especially for my Nanay. You can enjoy playing with your kids in the comfort of your own home and save my nanay’s life,” dagdag ni Jay.

Hindi naman binigo si Jay ng netizens.

Agad na nag-viral ang kaniyang post na siyang umani ng higit 26,000 reactions at lagpas 34,000 shares sa Facebook.

Laking pasasalamat naman ni Jay sa lahat ng tulong at suporta na kanilang natatangap.

“Salamat po sa lahat ng tutulong at tumulong po. Laking blessings po nito para kay nanay salamat po,” sabi nito sa hiwalay na post.

Dahil sa naturang panawagan, patuloy ang pagdagsa ng order sa mga produkto ni Jay, habang ang ilan ay nagpahayag ng kanilang pagnanais para sa mas mabuting kalagayan ng kaniyang Nanay.

Imahe mula kay Jay Soriano | Facebook

“Praying for your fast recovery, Nanay. A little help po for your chemotherapy. Get well soon po,” sabi ni NHDR.

“I hope your nanay will get better soon. God bless and prayers for you and your family,” sabi naman ni DB.

Sa mga nais ding bumili, maaari lamang na magpadala ng mensahe kay Jay sa pamamagitan ng kaniyang Facebook account.

Naroon din ang iba pang mahahalagang detalye sa mga gustong magpadala ng tulong pinansiyal para sa pagpapagamot ng ina ni Jay.

Source :

Facebook

Loading…