Netizen nagpadeliver para sa pamangkin; mas mataas pa ang shipping fee kaysa sa mismong produkto

  • Nakatutuwa ang ibinahagi ng isang tiyuhing netizen
  • Nagpadeliver siya ng isang pirasong chocolate-filled chips para sa kaniyang pamangkin
  • Mas mahal pa raw ang shipping fee kaysa sa mismong presyo ng produkto

Sa panahon ng mga makabagong devices, paggamit ng internet, at pagsulputan ng iba’t ibang apps, isa sa mga kinahiligan ng mga tao ngayon ang online shopping tulad ng  o kaya naman ay pagpapa–deliver gamit ang mga online apps. Laking-tulong ito lalo na sa panahon ng community quarantines dahil sa COVID-19 pandemic.

Para sa ilan, “nakakaadik” itong gawin dahil hindi mo na kailangan pang lumabas ng tahanan at makipila. Kailangan lamang bayaran ang maliit na shipping fee. Subalit paano kung mas mahal pa ang halaga ng shipping fee kaysa mismong ipinadeliver? Iyan ang ibinahagi ng mabait na titong may ngalang “Andrew” sa kaniyang Facebook post.

Imahe mula sa Facebook account ni Andrew Duterte

Salaysay niya, hiniritan siya ng kaniyang pamangkin na magpa-deliver ng isang sikat na chocolate-filled chips. Nakita kasi nito ang app dahil pinaglaruan nito ang kaniyang cellphone. Ang presyo ng naturang chips ay 8 piso lamang (na dating 12 piso) samantalang ang shipping fee naman ay 69 piso. At mukhang sa mga kalakip na larawan, isang piraso lamang ang inorder nila at hindi maramihan.

“Hanggang saan aabot yung cravings ng pamangkin mo? Chichiria: Php 8.00 Shipping fee: Php 69.00,” ayon sa caption.

Nagdulot naman ito ng pagkaaliw sa mga nakabasang netizens. Narito ang ilan sa kanilang mga komento at reaksyon:

“Ayos lang iyan, Kuya. At least napasaya mo yung bata hehehe saka nakatulong ka sa rider. Iyan na lang isipin mo. Maliit na halaga lang naman,” wika ng isa.

Sabi ng isa, “Seryoso ba iyan? Hahaha. Sana dinamihan na lang ang order para win-win situation. Pero hindi naman lumagpas sa 500 pesos so okay pa rin iyan. Enjoy!”

“Such a big help na rin para sa rider. 69 pesos lang naman, buti nga hindi pa 100 piso hehehe,” turan naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook account ni Andrew Duterte

Kaya paalala ng tiyuhing netizen, huwag na huwag ipapalaro sa pamangkin ang inyong mga cellphone kung ayaw ninyong mapagastos nang biglaan. Good vibes lang!

Source :

Facebook

Loading…