Netizen nagpasalamat sa pagpapagamot ni Carla Abellana sa kaniyang aso

Imahe mula sa Instagram | Carla Abellana at Facebook | Janzen Molino
  • Ibinahagi ng isang netizen ang kaniyang pasasalamat sa aktres na si Carla Abellana matapos siya nitong tulungan sa pagpapagamot ng kaniyang alagang aso
  • Kuwento ni Janzen Molino, sinubukan niyang manghingi ng tulong sa aktres at laking gulat niya nang mag-reply ito
  • Bukod sa tulong pinansyal ay nagbahagi rin si Carla ng ilang mga payo

Abot abot ang pasasalamat ng isang netizen matapos na makatanggap ng tulong para sa pagpapagamot ng kaniyang alagang aso mula sa aktres na si Carla Abellana.

Imahe mula sa Facebook | Janzen Molino

Kuwento ni Janzen Molino sa Latest Chika, sinubukan niyang maghanap ng fundraising sa social media para sa mga aso. Dito niya nakita si Carla kaya nagbakasakali siyang mag-iwan ng mensahe dito at hindi ito nagdalawang-isip na tulungan siya.

Nagbahagi rin siya ng screenshots ng usapan nila ng aktres. Base rito, sinagot ni Carla ang confinement at surgery ng alaga ni Janzen na si Arbie.

Si Carla rin mismo ang tumawag sa doktor ni Janzen upang i-settle ang downpayment nito.

“Ibigay n’yo na po ‘yang P2,500 n’yo bilang deposit/downpayment po. P5,000 daw ang kailangan na downpayment. Since may P2,500 cash po kayo riyan, mag-BDO Online transfer po ako ng P2,500 sa kanila. Okay po ba?” sabi pa ni Carla sa kaniyang mensahe.

Imahe mula sa Instagram | Carla Abellana

Bukod sa financial support ay nagbigay rin ng payo si Carla sa kapwa fur mom. “Ipa-confine n’yo na po si Arbie para mapagaling na po siya. I suggest mag-iwan po kayo ng damit n’yo or laruan po n’ya na familiar po ang amoy sa kaniya para hindi po siya sobrang malungkot. Tapos bisitahin n’yo po hangga’t maaari,” sabi ni Carla.

Bukod daw kay Carla ay marami pang ibang netizens na nagpadala ng tulong sa kaniya.

“I’m so blessed with angels na tumulong sa akin sa lahat ng donations and everything,” aniya.

“Grabe, para po akong nananaginip ngayon…Hindi po ito magiging posible without any help from you people. Maraming salamat po ulit,” aniya.

Loading…