Netizen, saludo sa kabutihang ginawa ng Cebu City cop sa isang homeless man

Imahe mula sa Facebook account ni Jerry Guzman Abuyabor
  • Isang netizen mula sa Cebu City ang humanga sa kabutihang ginawa ng pulis sa isang homeless man
  • Nasaksihan ni Jerry Guzman Abuyabor na inaabutan ng isang balutan ng pagkain ang matandang lalaki na nakaupo sa harapan ng isang saradong laundry shop
  • Nakapagpataaas raw ng kanyang respeto para sa mga police frontliners ang kanyang nasaksihan

Saludo ang isang netizen sa pulis na gumawa ng kabutihan sa isang homeless man sa Cebu City.

Imahe mula sa Facebook account ni Jerry Guzman Abuyabor

Ibinahagi ng netizen na si Jerry Guzman Abuyabor, isa sa mga coaches ng Southwestern University-Phinma basketball team, ang larawan ng isang eksena na kanyang nasaksihan sa kahabaan ng isang kalsada sa Barangay Sto. Niño sa naturang siyudad.

Makikita sa larawang ipinost ni Abuyabor sa kanyang Facebook account ang isang nakahimpil na patrol car at sa ‘di kalayuan naman ay makikitang may inaabot na balutan ang isang officer sa isang matandang lalaki na nakaupo sa isang nakasaradong laundry shop.

Pagkain umano ang laman ng balutan na inabot ng mamang pulis sa homeless man.

Nakapagpataas daw ng respeto sa mga police frontliners ang ginawa ng Cebu City cop na pagbibigay ng pagmamahal sa kapwa nang walang kapalit na hinihintay.

“It was around 11:45 a.m. when I saw this. Walang tao ang buong street because of the lockdown. Touched. An example of giving love without expecting in return, nakaangat ng respeto for our policemen frontliners,” ani Abuyabor.

Imahe mula sa Facebook account ni Jerry Guzman Abuyabor

“Mabuhay po kayo sir! CCPO Patrol car 48. A Snappy salute with High respect for these frontliners,” ang caption sa larawan.

Isang Bible verse pa ang ipinost ni Abuyabor na akma sa tagpong nasaksihan niya.

“Whoever is generous to the poor lends to the Lord, and he will repay him for his deed” – Proverbs 19:17

Source :

Facebook, CDN

Loading…