NGO nakapagpamahagi ng 10 million meals sa 1.7 million katao sa loob ng 100 days

Imahe mula sa ICM
  • Isang NGO ang nakapagpamahagi ng 10 milyong food packs sa 1.7 milyong Pinoy sa loob ng 100 days
  • Ang ICM ay nakipag-ugnayan sa national, provincial at local governments sa aid distribution sa Visayas at Mindanao
  • Ang mahigit 10,000 pastor partners ng NGO ang tumulong sa pagtukoy sa mga pamilyang lubos na nangangailangan ng ayuda

Sa loob ng 100 days ng umiiral na community quarantine sa bansa bunsod ng COVID-19 pandemic, ang isang non-government organization (NGO) – International Care Ministries – ay nakapagpamahagi ng mahigit sampung milyong food packs sa 1.7 milyong Pilipino sa Visayas at Mindanao.

Imahe mula sa ICM

Ayon sa ICM, ang kagutuman ang isa sa masaklap na resulta ng COVID-19 pandemic sa Pilipinas. Dahil sa istriktong quarantine protocols na ipinatupad simula noong March 15, nasa 30 milyong maralitang Pilipino ang nakararanas ng gutom.

Ang mga pinakamahihirap na pamilya ang lubos na naapektuhan ng pandemya. Para sa karamihan, ang kakarampot nilang kinikita na nakadepende sa araw-araw na pagta-trabaho ay nahinto dahil sa quarantine.

Noong 1992 pa nagsimulang magsilbi ang ICM sa mga mararalita. Noong unang ipatupad ang quarantine, ang staff at partner pastors nila ay nakatanggap ng mga panawagan ng tulong mula sa Visayas at Mindanao.

Pansamantalang itinigil ng ICM ang kanilang poverty-reduction operations at ibinaling ang pokus sa maayos at epektibong pamamahagi ng tulong.

Sa ginawang aid distribution ay naging katuwang ng ICM ang national, provincial at local governments.

Imahe mula sa ICM

“We’ve been impressed. Many agencies of the Philippine government have been acting heroically to help the poor. But in a country of more than 100 million people on 7,000+ islands, gaps are inevitable. That is where ICM comes in,” sabi ni ICM CEO na si David Sutherland.

Imahe mula sa ICM

Mahigit 10,000 pastors ang partner ng ICM sa buong Visayas at Mindanao. Ang mga ito ang tumulong upang matukoy ang mga pamilyang lubos na nangangailangan. Dahil sa partnership na ito sa loob ng tatlong buwan ay nakapagpamahagi ng mga food packs at health supplies sa tinatayang 1.7 milyong Pinoy.

Sinabi sa website ng ICM na as of June 24, 2020 ay umabot na sa 10,832,922 meals ang kanilang naipamahagi.

Imahe mula sa ICM

Loading…