OFW na COVID-19 survivor ibinahagi ang karanasan sa pakikipaglaban para mabuhay

  • Hindi natakot ang isang OFW na isalaysay ang kaniyang pinagdaanan sa pakikipaglaban kontra COVID-19
  • Matapos ang tatlong ulit na paglipat ng ospital sa UAE, tuluyan na siyang gumaling
  • Sadyang napakabuti at napakadakila raw ng Diyos dahil sa pagbibigay sa kaniya ng panibagong buhay

Napagtagumpayan ng isang Overseas Filipino Worker o OFW ang kaniyang pagkikipaglaban sa COVID-19, kagaya rin ng iba pang mga survivors sa iba’t ibang panig ng daigdig na lubusang naapektuhan ng pandemya.

Ginustong ibahagi ng OFW na si “Carmelo Diaz” ang kabutihan at kadakilaan ng Diyos kaya siya lumantad at isinalaysay niya ang naging karanasan sa pamamagitan ng kaniyang Facebook post.

Imahe mula sa Facebook account ni Carmelo Diaz

Salaysay niya, “May 24,2020, I was diagnosed with COVID-19. Before the result of the test came out, a week before that, I had body pain all over. It felt like my joints were being turned apart and its really painful. At first, I thought I was having an ordinary flu… I also had a sore throat, in which every time I swallow or drink liquids, it felt like my throat was being sliced with a blade,” panimula niya.

“A burning and feverish feeling inside, which comes out of your eyes, mouth and skin but every time I’m taking my temperature, I’m getting only 36.2°-36.5° reading. And lastly, I had difficulty in breathing, even the air-con  and fan were on. This was the turning point that I have decided to voluntarily and immediately went to the COVID-19 testing center,” pagpapatuloy niya.

Inilipat umano siya sa tatlong ospital hanggang sa siya ay makakuha ng negatibong resulta.

“I was transferred to 3 different hospitals. First, Sheikh Khalifa Medical City, where I got the positive result. The second hospital was Sheikh Shakhbout Medical City and lastly Alrahba Hospital, where I stayed until I got my negative result,” aniya.

At sa paglipat-lipat din niya ng ospital, nakaranas din siya ng iba’t ibang mga medical procedures at protocols tulad ng blood tests, CT scan, at swab test.

Public Domain Image

“Everytime I’ll be transferred to a different hospital, a lot of tests were conducted, like 30 different blood tests, CT Scan and swabbing. Everyday, they would issue 6 different medicine tablets in the morning and 5 in the evening, every after meal and an injection as anti-coagulant and a paracetamol for body pain while checking all my vitals.”

Sa kaniyang pagwawakas, “Though the journey wasn’t easy… but still… I felt so blessed and fortunate. I would like to thank the nurses and doctors who provided me with such care, love and attention and who were used by God to show his love.”

Inisa-isang pasalamatan ng OFW na COVID-19 survivor ang kaniyang mga naging doktor, nurses, at lahat ng frontliner heroes. Pinasalamatan din niya ang mga kaibigan at kapamilya mula sa Abu Dhabi, Australlia, at Pilipinas para sa patuloy na pagdarasal para sa kaniyang paggaling. Malaki rin ang pasasalamat niya sa pamahalaan ng UAE dahil sa ibinigay nilang assistance sa kanilang mga naging pasyente ng mapamuksang virus.

“Now, I’m already discharged, resting at home and hoping to fully recover soon. Thank God for another life you have given me. God is really good all the time!” ani Diaz.

Imahe mula sa Facebook account ni Carmelo Diaz / Public Domain Image

Ang mga kuwentong kagaya nito ang magpapatunay na may Diyos na nakahihigit sa lahat na maaari nating makapitan sa panahon ng mahigpit na pangangailangan. Magtiwala lamang sa Kaniya!

Source :

Facebook

Loading…