Paalala ni Sen. Ping Lacson kay Catriona Gray: Mas mahigpit ang anti-terror law sa Australia

Imahe mula sa PNA at Instagram | Catriona Gray
  • Ipinaliwanag ni Sen. Ping Lacson kay Miss Universe 2018 Catriona Gray na mas mahigpit ang ipinatutupad na batas kontra terorismo sa Australia
  • Half Australian si Catriona habang si Lacson naman ay isa sa mga principal author ng anti-terror bill
  • Ani Lacson, nakipagpulong sila sa mga awtoridad sa Australia ukol sa panukalang batas

Ipinaalala ni Sen. Ping Lacson sa Filipino-Australian beauty queen na si Catriona Gray, na nagpahayag ng pagtutol sa anti-terrorism bill, na mas mahigpit ang batas na ipinatutupad sa Australia kontra terorismo.

Imahe mula sa PNA

Paliwanag ng isa sa mga principal author ng panukalang batas na si Lacson sa isang radio interview, makailang ulit silang nakipagpulong sa mga awtoridad mula sa Australia upang kumonsulta ukol dito.

“Ang Australia, very strong democracy kaya medyo ano ako, with all due respect kay Miss Universe Catriona Gray, ‘di ba Australian siya? Eh kumokontra rin siya pero yung batas sa Australia mas matindi sa batas natin,” ani Lacson.

“Hinango natin ang ibang portion ng batas sa Australia, pinapatulong namin dito. Ilang beses tayo nakipag-meeting sa kanila…Kasi we cannot do it alone because ’yan ang universal standard.”

Imahe mula sa Instagram

Dagdag niya pa ang 14 na araw na detention period sa mga suspected terrorist ay ibinase sa mga batas sa Australia at Sri Lanka. Aabot daw sa 21 days ang detention sa Indonesia, 720 days sa Singapore, at 59 days naman sa Malaysia.

“So tayo ang pinakamabait kung sa period of detention ang pag-uusapan,” sabi ni Lacson.

Paliwanag ni Catriona sa kaniyang Twitter posts, sang-ayon siyang mahalaga ang anti-terror bill upang maprotektahan ang bansa at ang mga mamamayan nito ngunit kailangan ding siguraduhin na hindi ito pag-uugatan ng pang-aabuso sa kapangyarihan at paglabag sa karapatang pantao.

“Rather, #JunkTerrorBill is a call to #ReviseTerrorBill (because it can be…and should be better) if the need is indeed urgent during this time.”

 

Loading…