Pacquiao family nakabalik na sa GenSan, sasailalim sa 14-day quarantine

Image by Jinkee Pacquiao via Instagram
  • Manny Pacquiao at pamilya, nakauwi na sa General Santos City
  • Sasailalim ang mga ito sa 14-day quarantine bilang pagsunod sa protocol ng gobyerno
  • Jinkee: “Grateful and happy to be back in GenSan! God is Good!”

Nakabalik na sa General Santos City si Senator Manny Pacquiao kasama ang kanyang pamilya at kasalukuyang sumasailalim sa 14-day quarantine bilang pagsunod sa health protocol ng gobyerno.

Image by Jinkee Pacquiao via Instagram

Mananatili muna ang mga ito sa kanilang resort sa Taluya Glan, Sarangani Province. Naabutan kasi ng lockdown ang pamilya at ilang buwan ding namalagi sa Metro Manila.

Kasama ng boxing icon sa pag-uwi ang maybahay nitong si Jinkee at mga anak na sina Mary Divine, Emmanuel (Jimuel) Jr., Michael, Queen Elizabeth, at Israel.

Masayang-masaya ang pamilya sa pagbabalik nila sa GenSan at nag-post pa si Jinkee ng, “Thank you, LORD, for the safe flight. Grateful and happy to be back in GenSan! God is Good!”

Sinabi pa nitong nasa isang taon na ring hindi nakabisita sa GenSan ang kanyang mga anak.

Samantala, ibinahagi naman ni Jimuel ang produktibo at masayang quality time together niya kasama ang ama.

Nabanggit nito na puno ang iskedyul ni Pacman bago ang pandemya at kulang ang oras para sila’y magkasama. Pero dahil sa quarantine, aniya, nakasama niya ng mas matagal sa mas makahulugang paraan ang ama.

Pahayag ni Jimuel sa Metro.Style, “I haven’t had the chance to really train with him before the pandemic because of his busy schedule. That’s why I consider the time I have with him as a blessing since I get to spend way more time with him now.”

Image by Jimuel Pacquiao via Instagram

Naging tipikal na routine daw ng mag-ama ang pagsasanay at masayang-masaya siya na natututo ng marami sa kanyang boxing icon na ama.

“I won’t really ask for any material thing, because I want to be able to work hard for what I want. But him training me would be the best,” ani Jimuel.

Image by Jinkee Pacquiao via Instagram

Loading…