“Padala lang walang batuhan mare” post ng Angkas, patama sa nag-viral na delivery company?

  • Tila may patama ang Angkas sa trending “batuhan ng parcel” video ng isang delivery company
  • Post ng Angkas sa social media, “Padala lang walang batuhan mare”
  • Sinabi na itong bato-bato sa langit at ang tamaan ay ‘wag magalit

Makaraang mag-trending ang bidyo na nagpapakita ng mga staff ng isang delivery company na basta na lamang itinatapon ang mga parcel sa kanilang trak, tila may patama rito ang Angkas na involved din sa courier service.

Image by Angkas via Facebook

Post ng Angkas sa Twitter, “Padala lang walang batuhan mare.” Ang update na ito mula sa motorcycle taxi service ay nakakuha na higit 29,500 likes at nasa 4,000 retweets habang ibinabahagi ito.

Karagdagan, sinabi pa ng Angkas sa Facebook post na ‘ang tamaan ay ‘wag magalit’. Pahayag nito, “Padala lang dito, walang batuhan. Angkas Padala na lang hehe.”

Mayroon namang tinatayang 41,000 reaksyon at nasa 16,000 pagbabahagi ang update ng kompanya sa Facebook.

Komento ng isang netizen, “Parang ‘yung minahal mong binato ng maraming pagmamahal pero binato ka ng matigas na puso. Ending, nasaktan ka, bato na ‘yun eh.”

Sabi naman ng isa, “Tama, walang batuhan ng deliveries, pagmamahal lang hehe.”

Courier company apologizes over viral ‘mishandling of parcels’ video

Nag-ugat ang isyu ng isang delivery company dahil sa hindi maayos na pagtrato ng mga delivery personnel nito sa mga parcels na sana’y iniingatan nila hanggang sa makarating sa customer. Marami ang hindi natuwa sa pangyayari.

Image screenshot from YT video

Pero pagpapaliwanag ng delivery company, isolated case lamang ito at palagi nilang sinisiguro na ang kanilang mga pasilidad, kabilang na ang mga branches at warehouses, ay nasa 24/7 monitoring para masiguro ang proper care at handling sa mga ito.

Nakilala na umano nila ang mga tao sa bidyo na mabibigyan ng karampatang parusa.

“We would like to reiterate that we do not tolerate such acts and behavior, and we humbly take responsibility for the incident.”

Dagdag nito, “We thank all individuals, especially our customers and employees, for their continuous trust and support.”

Loading…