Pag-alis ng maraming POGO firms sa bansa makaaapekto sa kaban ng bayan, 30K Pinoy workers

Screenshot mula sa ABS-CBN video
  • Dalawang malalaking POGO firms, umalis na ng bansa
  • Sinabi ng PAGCOR na marami pang POGO ang nakatakdang umalis na rin dahil sa isyu ng buwis
  • Maaapektuhan umano ang kaban ng bayan at 30,521 Pinoy POGO workers sa pag-alis ng mga ito sa bansa

Napipinto ang exodus, o maramihang pag-alis, ng mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) companies sa bansa na makaaapekto sa kaban ng Pilipinas at sa libo-libong Pinoy workers sa offshore gaming industry.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Kinumpirma ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na dalawang POGO na ang umalis ng Pilipinas, kabilang ang Suncity na bahagi ng gambling  giant na Suncity Group ng bansang Macau.

“Yes, Suncity has left,” sabi ni PAGCOR chief executive officer Andrea Domingo nang tanungin kung umalis na sa bansa ang tinaguriang Asia’s leading casino junket operator.

Dagdag pa ni Domingo, marami pang POGO firms ang susunod na aalis ng bansa na tiyak umanong makaaapekto sa kaban ng bayan at sa 30,521 Pinoy na sa POGO nagtatrabaho.

Sinabi naman ni Jose Tria, ang PAGCOR assistant vice president for offshore gaming licensing, na bukod sa Suncity, ipinakansela na rin ng Don Tencess Asian Solutions ang kanilang lisensya.

“I’ve heard there are other companies that also plan to cancel their licenses, but I haven’t received their official letters so I can’t name them yet,” saad ni Tria.

Pinapayagan na ng pamahalaan ang partial operations ng mga POGO subalit ang karamaihan sa kanila ay hindi pa makapagbukas dahi sa isyu sa buwis na ipinapataw ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Imahe mula sa PNA

Kailangan umanong magbayad muna ng buwis na hindi pa nababayaran at karagdagang franchise tax bago mabigyan ang mga ito ng BIR tax clearance upang muling makapag-operate.

Kasunod ng pahayag ng PAGCOR hinggil sa napipintong exodus ng POGO firms, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na malayang makaaalis ng bansa ang mga ito kung hindi magbabayad ng buwis.

“We need them because we need the revenues but unless they pay up, goodbye,” ani Roque.

Loading…