Paghingi ng tulong ng anak para sa minamahal na ina, tinugon ng mga netizens

Imahe mula sa Facebook account ni Calotes Lucky
  • Online plea for help ng isang anak para sa ina tinugunan ng maraming netizens
  • Sa pamamagitan ng mensahe sa Facebook ay pinasalamatan ni Mary Joy Bagares ang lahat ng tumulong
  • Nagsimula ang pagbuhos ng tulong nang makilala nilang mag-ina ang YouTuber na si Calotes Lucky
  • Ibinahagi ni Calotes Lucky sa Facebook ang video ng panawagan ni Mary Joy

Tumugon ang maraming netizens na may mabubuting kalooban sa panawagan ng isang anak para sa kanyang inang may karamdaman.

Imahe mula sa Facebook account ni Calotes Lucky

Kabilang sa mga tumugon ang dalawang artists na sina Piañar Christian Xevier at Art of Kniel Nangit na nagbenta ng kanilang mga obra upang makatulong sa pagkalap ng halagang P100,000 na kakailanganin para sa radiation therapy ng ina ni Mary Joy Bagares na si nanay Helen.

Noong Sabado, June 27, ay ipinaabot ni Mary Joy ang kanyang pasasalamat sa lahat ng tumugon sa kanyang online plea for help para sa minamahal na ina.

Sabi niya ay mayroon na silang magagamit na sasakyan sa tuwing kailangang magtungo sa ospital ang ina at umabot na sa P108,000 ang cash na galing sa mga tumulong. Gagawa umano siya ng video na ibabahagi sa social media upang mapasalamatan niya lahat ng mga nag-abot ng tulong.

“God will bless you a hundredfold,” mensahe sa mga Good Samaritan ng 22-year-old na si Mary Joy na nagtatrabaho bilang isang marketing staff sa isang parmasiya sa Cebu.

Imahe mula sa Facebook account ni Mary Joy Bagares

Ang kapatid niyang lalaki ay engineer sa isang shipbuilding company. Silang dalawa raw ang nag-aambagan para sa pangangailangan ng ina, ngunit kadalasan ay kinakapos pa rin. Ang ama nila ay bulag na madalas magkaroon ng anxiety disorder dahil sa kanyang kalagayan.

Ani Mary Joy, tatanggapin pa niya ang anumang tulong na ibibigay dahil kailangan pa nila ng panustos para sa pagpapagamot ni nanay Helen. Maaari umano siyang ma-contact sa kanyang Facebook account.

Imahe mula sa Facebook account ni Calotes Lucky

Ang pagdating ng tulong para kay nanay Helen ay nagsimula nang i-share ng YouTuber na si Calotes Lucky ang video ng panawagan ni Mary Joy sa Facebook account niya, kung saan ibinahagi niya kung paano niya nakilala ang mag-ina.

Marami ang tumugon at nagpaabot ng tulong nang manawagan din si Calotes Lucky sa kanyang mga followers na tulungan ang mga-ina.

Sa isang mensahe ng pasasalamat ni Mary Joy, tinawag niya si Calotes Lucky bilang ang kanilang “lucky blessing.”

Narito ang post ni Calotes Lucky na nagsimula nang lahat. I-click lang ang larawan upang mabasa nang buo ang post. Makikita rito ang bank details ni Mary Joy kung saan maaaring ipadala ang anumang tulong na makakayan.

Source :

Facebook

Loading…