Pagmamahal na walang katumbas: Larawan ng dalawang batang lansangan na matiyagang ginagamot ang isang aso, trending

  • Trending sa social media ang larawan ng dalawang bata na hinangaan dahil sa kabutihang loob
  • Kahit kasi mga batang nakatira sa lansangan at walang maayos na damit, buo ang pagmamahal nila sa isang aso
  • Bumili sila ng maraming adhesive bandage para gamutin ang isang sugatang aso

Marami ang nahuhumaling sa pag-aalaga ng iba’t ibang hayop lalo na ng aso. Pinatutunayan kasi ng mga kalahi ni Bantay na talagang sila ang man’s best friend at maaasahan sa oras na kailangan mong tumakas sa mga realidad ng mundo. Nariyan sila para pagaanin ang iyong nadarama at ipakita sa iyo na talikuran ka man ng lahat, nariyan ang alaga mo sa iyong tabi.

Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay aso lamang ang kayang magpatunay ng walang iwanan sa samahan nilang mag-amo. Maging ang mga tao ay kaya ring ipadama sa alaga na anuman ang nangyayari, gaano man karaming pagsub0k, nariyan sila sa tabi ng alaga upang sabay na harapin ang buhay.

Larawan mula sa Facebook post ni Tarun Gore

Ganito ang mensahe ng viral na larawang naka-upload sa Facebook.

Sa post ni Tarun Gore, makikita ang dalawang batang lansangan na matiyagang ginagam0t ang sugat ng kanilang alagang aso. Kahit walang maraming pera, bumili ang dalawa ng maraming adhesive bandage para sa alaga.

Kita sa larawan na tahimik naman ang aso habang ginagam0t ng kanyang amo. Umantig sa mga netizens ang larawan dahil kahit hindi malinis at maganda ang damit ng dalawang bata, wala pang saplot sa paa, ay naipakikita pa rin nito ang tunay na diwa ng pagmamahal at pagmamalasakit.

Habang isinusulat ang istoryang ito, nasa 42,000 reactions, 700 comments, at 74,000 shares na ang nakuha ng larawan. Hindi rin Pilipino ang mga bata sa larawan. Mula sa bansang India ang uploader na si Tarun kaya mukhang mula rin sa bansang iyon ang dalawang bata.

Gayunman, saan man galing ang dalawa, naipabatid nila sa mga netizens mula sa iba’t ibang panig ng mundo na wala sa antas ng buhay ang pagpapakita ng pagmamahal; maging sa mga alagang hayop. Ayon sa mga netizens, kuhang-kuha nila ang malakas na mensahe ng larawan.

Larawan mula sa Pexels

Pahayag ng isang netizen, kung ang mundo raw ay mapupuno ng pagmamahal katulad ng ibinigay ng mga batang ito, sigurado raw na mas magiging mapayapa at masaya ang pamumuhay ng bawat isa.

Sana rin daw ay mas marami pang bata ang magkaroon ng wastong pag-iisip katulad ng mga bata sa larawan. Hamon din daw sa mga magulang na palakihing may mabuting loob ang mga bata lalo na sa panahong talamak ang maraming hindi magandang pangyayari sa daigdig.

Loading…