Pagmumumog ng tubig na may asin pag-aaralan kung makabubuti sa COVID-19 patients

Screenshot mula sa GMA video
  • Napatunayan na sa nauna nilang pag-aaral na ang pagmumumog ng tubig na may asin ay mainam na panlaban sa common cold
  • Iniimbestigahan naman ngayon ng Edinburgh researchers sa Scotland kung epektibo rin ang salt water solution para sa mild cases ng COVID-19
  • Nag-recruit ang grupo ng mga adults na may COVID-19 symptoms at mga kumpirmadong may ganitong sakit para sa pag-aaral

Kakayanin kaya ng tubig na may asin na kalabanin ang COVID-19?

Screenshot mula sa GMA video

Inilunsad ng mga researchers ang isang pag-aaral kung saan gagamit sila ng salt water solution o tubig na hinaluan ng asin upang alamin kung maaari itong panlunas sa mga sintomas ng COVID-19.

Sa unang pag-aaral na ginawa ng grupo noong 2019 na tinawag na “Edinburgh and Lothians Viral Intervention Study”  o ELVIS na may layuning makatuklas ng mga panlunas sa common cold na madaling makuha sa murang halaga, napag-alaman nila na ang homemade remedy na ito ay nakatutulong laban sa nasabing viral infection.

Batay sa kanilang pag-aaral, ang pagmumumog at ang paghuhugas ng ilong gamit ang tubig na may asin ay napatunayang nakatulong sa paggaling ng pasyenteng may ubo at sipon. Hindi na rin daw sila nakahahawa at hindi na kinailangang bumili ng gamot sa botika.

Sa ngayon ay hindi pa malinaw sa mga doktor kung paano lulunasan ang COVID-19. Karamihan sa mga pasyenteng may mild sypmptoms ay pinaiinom lang umano ng paracetamol at ibuprofen.

Imahe mula sa Pinoy Health and Wellness Facebook page

Iimbestigahan ng research team kung makatutulong ang pagmumumog ng tubig na may asin sa mga pasyenteng may mild symptoms ng COVID-19 upang hindi na lumala ang kanilang kundisyon.

Nag-recruit ang grupo ng mga adults na may COVID-19 symptoms at mga kumpirmadong may ganitong sakit.

“We are now moving to trial our salt water intervention in those with suspected or confirmed Covid-19, and hope it will prove to be a useful measure to reduce the impact and spread of the infection,” sabi ni Professor Aziz Sheikh, ang Chief Investigator para sa ELVIS COVID-19 study.

Aniya, kung mapatutunayang epektibo laban sa COVID-19 ang pagmumumog ng tubig na may asin, dapat gawin ito nang malawakan.

Imahe mula sa Jakarta Post

Loading…