Usapang GMRC: Pagtuturo ng maganda at mabuting asal sa mga estudyante, batas na

Image by Rody Duterte via Facebook
  • Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtuturo ng GMRC sa mga paaralan
  • Sinabi ni Sen. Miguel Zubiri na kinakailangan ng mga kabataan ng malakas na moral code sa pag-navigate sa technological world
  • Natanggal ang pagtuturo ng GMRC noong 2013

Ganap nang batas ang pagtuturo ng maganda at mabuting asal sa mga estudyante ng mga paaralan sa Pilipinas makaraang pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11476 o GMRC and Values Education Act.

Sa ilalim ng batas, muling magiging bahagi ng pang-araw-araw na pagtuturo mula Kindergarten hanggang Grade 6 ang Good Manners and Right Conduct (GMRC). Papalitan nito ang Edukasyon sa Pagpapakatao.

Ituturo naman ang Values Education, kung saan i-integrate ang GMRC, mula Grade 7 hanggang Grade 10. Para sa Grade 11 at 12, isasama ang Values Education sa lahat ng aralin.

Matatandaang natanggal ang pagtuturo ng GMRC simula nang maipatupad ang K-12 program noong 2013.

Wika ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, principal author ng bill, “Kids are going to be at home all day, learning in isolation from their peers.

“They’re not going to have the natural avenues for empathetic learning that springs from face-to-face interaction with their peers and with their teachers. Hopefully, a strengthened GMRC and Values Education program will make up for that.”

Dagdag nito, hindi umano inaasahan ang paglipat ng interaksyon online at kinakailangan ng mas malakas na moral code sa mga kabataan sa pag-navigate sa technological world.

Umaasa naman siya na makakasama sa paggawa ng Implementing Rules and Regulations (IRR) para rito kasama ang Department of Education.

“With many schools set on implementing distance learning, it’s going to be even more vital that we give our students formative guidance through GMRC and Values Education.”

Panukala na ibalik ang GMRC sa mga paaralan, aprubado na ng Kongreso

Samantala, batay sa naunang ulat ng DF Buzz, marami ang natuwa noong binabalangkas pa lamang ang batas at sinabing mahalaga ito upang mahubog ang pagiging magalang at mabait ng mga estudyante habang nasa murang edad pa lamang.

Loading…