Pamahalaan dapat umaksyon laban sa mga taong nagpapanggap na PWD

Imahe mula sa Official Gazette
  • Nananawagan sa pamahalaan ang dalawang mambabatas na rebisahin ang implementasyon ng batas na nagbibigay ng pribilehiyo sa mga PWD
  • Dapat gumawa ng hakbang ang mga ahensya ng pamahalaan laban sa mga taong nagpapanggap na PWD
  • Iminungkahi na magkaroon ng national database at unique codes sa bawat PWD upang maging mas madali ang beripikasyon kapag ginamit ang PWD ID

Nanawagan ang dalawang partylist representatives sa ilang ahensya ng gobyerno na gumawa ng mga hakbang laban sa mga taong nagpapanggap na person with disability (PWD).

Imahe mula sa Official Gazette

Hinikayat nina Congressman Ronnie Ong ng Ang Probinsyano Partylist at ni Congressman Eric Yap ng ACT-CIS Partylist ang Department of the Interior and Local Government at National Council on Disability Affairs na review-hin ang implementasyon ng Republic Act 10754 o Act Expanding the Benefits and Privileges of Persons with Disability at umaksyon laban sa mga nagpapanggap na PWD.

Katwiran ng dalawang mambabatas, dahil sa hindi awtorisadong paggamit ng PWD identification card para makakuha ng discount ay nalalagay sa bingit ng pagkalugi ang mga negosyo na sa ngayon nga ay dumaranas na ng mga problema bunsod ng ipinatutupad na quarantine rules.

“Under the law, PWDs are given an automatic 20 percent direct discount and are VAT exempt on purchases of certain goods and services from all establishments for their exclusive use, among many other privileges,” ayon sa inilabas na statement ng dalawang mambabatas.

Imahe mula sa Money Max

Sinabi ni Rep. Ong na suportado niya ang nasabing batas, subalit kulang umano ito sa mga safeguards laban sa mga nagpapanggap na PWD.

Ang mungkahi ni Ong ay magkaroon ng national database at unique codes sa bawat PWD upang maging mas madali ang beripikasyon kapag humihingi ng diskwento sa mga business establishments gamit ang PWD ID.

“The key is to develop an automated system. Through this, it will be easier to store and manage data. This system will contain all the PWD’s information, which will make it easier to verify whether an individual is indeed a PWD. All LGUs (local government unit) report to one centralized system so verification is easier,” pagsang-ayon ni Rep. Yap sa suhestyon ni Rep. Ong.

Marami na umano silang natatanggap na mga reports tungkol sa mga taong wala namang kapansanan subalit gumagamit ng PWD ID.

Matatandaang may napaulat noon tungkol sa isang pamilya na bawat isa ay may PWD ID. Iniimbestigahan na umano ito ng Department of Trade and Industry.

Imahe mula sa CNN PH

Loading…