Panelo may payo kay Lea: “Cool ka lang”

Imahe mula sa facebook nina Atty. Panelo & Lea Salonga
  • Pinayuhan ni Panelo si Lea Salonga matapos ang viral post ng aktres
  • Hindi umano magandang halimbawa ang ginawang pahayag ni Lea
  • Dati nang nagpaliwanag ang The Voice coach tungkol sa kaniyang kontrobersiyal na pahayag

Pinangaralan ni Chief Presidential Legal Counsel at dating tagapagsalita ng Palasyo na si Atty. Salvadro Panelo si Lea Salonga matapos ang viral post ng huli na ikinagulat din ng kaniyang mga tagahanga.

Ayon kay Panelo, hindi magandang halimbawa sa iba ang isang sikat na celebrity na tulad ni Lea na tila walang paggalang sa kaniyang sariling bayan kung saan ito ipinanganak at lumaki.

Imahe mula sa Facebook ni Atty. Sal Panelo

“Ang advise natin kay Miss Lea, cool ka lang. Kung ano man ang sama ng loob mo, huwag mong isapubliko lalo kung laban sa sarili mong bansa kung saan ka ipinanganak, kung saan ka kumikita, kung saan ka kinikilala, hindi magandang ganyan,” paliwanag ni Panelo.

Anito, kung mayroon mang saloobin ang singer-actress laban sa kaniyang bayan o pamahalaan, sana ay huwag na itong isapubliko dahil magkakaroon ng iba’t-ibang interpretasyon ang mga tao dito.

“Parang disrespect ‘yun sa bansa mo. Walang specific na kaso,” dagdag pa ng opisyal.

Imaeh mula sa Facebook ni Lea Salonga

Magugunitang ginulantang ni Lea ang social media dahil sa kaniyang post na tila may halong pagmumura laban sa Pilipinas.

“Dear Pilipinas, [expletive] ang hirap mong mahalin,” anang Facebook status ni Lea noong nakaraang linggo.

Dahil sa nasabing one-liner, inulan ng kaliwa’t-kanang batikos ang The Voice coach.

Ganun pa man, nagpaliwanag na ang dating Miss Saigon na ang kaniyang mura ay hindi naman niya talaga minura ang Pilipinas kundi ito ay expression lamang niya ng kaniyang saloobin.

“My p-i- was aimed at no one in particular, and was used only as an outburst, a cry. My apologies if I hurt your feelings with my choice of words,” wika ng aktres.

Humingi na rin ng paumanhin at pang-unawa si Lea sa sinumang nasaktan sa kaniyang viral post. Nagpasalamat din ito sa kaniyang mga fans sa patuloy na pag-suporta at pagtatanggol sa kaniya laban sa mga bashers.

Image via Twitter | Lea Salonga

Loading…