Pangulong Duterte may good news tungkol sa potential COVID-19 vaccine

Screenshot mula sa PCOO video
  • Naghatid ng magandang balita si Pangulong Duterte tungkol sa potensyal na COVID-19 vaccine
  • Sinabi ng Pangulo na may mga bansang napeperpekto na ang dine-develop na bakuna laban sa COVID-19
  • Hindi binanggit ng Pangulo kung anong bansa ang mga ito

Isang magandang balita ang ibinahagi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang latest press briefing tungkol sa vaccine laban sa COVID-19 noong Lunes, June 22.

Screenshot mula sa PCOO video

Aniya, naniniwala siya na may mga bansang napeperpekto na ang dine-develop na COVID-19 vaccine.

“Ang masabi ko sa inyo na good news is that we believe and I believe, too, that many countries have now perfected some vaccines. Maybe some are haphazard, kasi madalian eh. The quest for vaccine takes time, years. Dito nagmamadalian, at least we have medicine that would fight COVID,” pahayag ni Pangulong Duterte.

Hindi niya tinukoy kung anong mga bansa ang nagtatagumpay na sa pag-develop ng bakuna, subalit may binanggit siya tungkol sa mga kabayo na ginagamit sa paggawa ng COVID-19 vaccine na inihalintulad pa niya sa paggawa ng antivenom o pangontra sa kagat ng makakamandag na ahas.

Screenshot mula sa PCOO video

“Now ‘yung vaccine naman, eh dahan-dahan nila i-inject ‘yan sa — I think it’s a horse. Dahan-dahan lang kagaya ng snake bite. Parang ano ‘yan antivenom. I-inject muna nang dahan-dahan, palaki nang palaki, i-ma-maximize hanggang ma-immune ang kabayo. Ipakagat nila sa cobra, balewala. Then magkuha sila ng blood ng kabayo. I don’t know if there is additives that are added there or diluted. I am not a medical person, but ‘yon ang i-inject for the antivenom,” anang Pangulo tungkol sa paggawa ng antivenom.

Matatandaang sa public address ni Pangulong Duterte noong buwan ng Abril, binanggit na rin niya ang horse antibodies bilang potensyal na panlaban sa COVID 19.

Camera 360

Sa ulat naman ng Time magazine noong buwan ng Marso, sinabi nito na isang biopharmaceutical company sa United States ang naghahanap ng maaaring pagkunan ng antibodies laban sa COVID-19 at kabayo ang napili nito.

Ang tinutukoy dito ay ang Emergent BioSolutions, isang pharmaceutical company na nakabase sa Maryland, na gumagamit ng mga kabayo bilang source ng plasma.

Sinabi ng Emergent na ang plasma mula sa immunized horses na may antibodies laban sa SARS-CoV-2, ang virus na nagdudulot ng COVID-19, ay maaaring ma-develop bilang potential treatment sa mga critically ill patients.

Imahe mula s Emergent BioSolutions
Source :

PCOO, GMA Network

Loading…