PaPaPi? Ang nakaaaliw na acronym na naisip ng netizen sa iminungkahing pangalang ipapalit sa NAIA

Imahe mula sa Wikipedia
  • Iminungkahi ng tatlong mambabatas na palitan ang pangalan ng NAIA
  • Ang makapilipit-dilang “Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas” ang suhestyon na ipalit sa NAIA
  • Isang netizen naman ang nakaisip ng acronym para sa mungkahing pangalan ng airport – PaPaPi

Maingay ngayong pinag-uusapan ang mungkahing palitan ng pangalan ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Imahe mula sa Wikipedia

Isinusulong ng Presidential son na si Congressman Paolo Duterte ng Davao City kasama sina Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco at ACT-CIS party-list Rep. Eric Go Yap na mapalitan ng pangalan ang NAIA sa pamamagitan ng paghahain ng House Bill No. 7031.

May mga netizens ang pumabor sa panukala dahil hindi naman daw pag-aari ng mga Aquino ang paliparan.

Alam naman ng lahat na ang pangunahing paliparan ng bansa ay isinunod sa pangalan ng dating senador na si Benigno “Ninoy” Aquino Jr., ang ama ng dating pangulong Noynoy Aquino at ng binansagang Queen of All Media ng Pilipinas na walang iba kundi si Kris Aquino.

Ang iminungkahi nilang pangalan na nasa wikang Pilipino ay ang makapilipit-dilang “Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas” (PPP).

“We want it to reflect the legacy of the Filipino people, our everyday heroes. The name bears no color, no political agenda. It only signifies our warmth as Filipinos in welcoming our kababayans and foreign visitors. Having a very Filipino name for our international gateway sparks nationalism in each and every one of us,” paliwanag ng tatlong magigiting na mambabatas.

Imahe mula sa The Thinking Pinoy

Pero tila hindi nationalism ang na-spark sa mga netizens na “advance” mag-isip kundi ang pagiging witty at humorous nila.

Hindi pa man aprubado ang panukala ay mayroon na agad naisip ang isang netizen na acronym para sa airport upang hindi namimilipit ang mga dila natin – “PaPaPi,” na katunog ng bansag sa Kapamilya hunk na si Piolo Pascual, “Papa P.”

Nagbahagi pa ang netizen ng isang litrato ni Papa P. mula sa dating advertisement ng isang bangko na nakasuot ng uniporme ng kapitan ng barko.

“Welcome to PapaPi Airport, Manila,” ang nakasulat sa larawan.

Imahe mula s Twitter

Hinamon naman ng blogger na si The Professional Heckler ang mga Twitter users na mag-isip ng “funniest/wittiest/most savage alternative meaning” ng PPP. Aniya, ire-retweet niya ang kanyang mapipili. Karamihan sa mga ibinigay na alternative meaning ng PPP ay patama sa mga politiko.

Imahe mula sa Twitter

Narito pa ang ilan sa kanila:

“Pagabi ng Pagabi ang Pronouncements”

“Pag Pogo Paborito”

“Pasig, Pahiram ng Pinuno”

Imahe mula sa Facebook

Loading…