Pasahero isiniwalat ang nasakyang bus na hindi sumusunod sa social distancing

  • Ibinahagi ng isang pasahero ang paglabag sa social distancing ng bus driver at konduktor sa bus na kaniyang nasakyan
  • Makikita sa mga larawan na maraming pasahero sa loob nito at may mga nakatayo pa sa gitna
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Sa pagpapatupad ng general community quarantine sa maraming lugar sa bansa, unti-unti ay sinisikap na makabalik sa normal ang lahat, subalit ang tawag na rito ay “New Normal”. Sa sektor ng transportasyon, pinayagan nang makabyahe ang mga pampublikong bus, subalit kailangan pa ring sumunod sa mga protocols gaya ng social distancing.

Kaya naman, ibinahagi ng isang pasahero sa kaniyang Facebook post ang karanasan sa isang bus na kaniyang nasakyan, na biyaheng Nova-Alabang sa Quezon City. Makikita kasi sa kaniyang mga kuhang larawan na tila “nakalimot” ang driver at konduktor sa pagtalima sa social distancing, dahil napakaraming pasahero sa loob ng bus, at may mga nakatayo pa.

Imahe mula sa Facebook account ni Jenn Sioting

“3rd Monday of GCQ. No social distancing and bus keeps on picking up passengers. Nasaan ang new normal? Cleared na po ba ang Pinas sa COVID-19,” pasaring na caption ng netizen.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Dapat friend kinuha mo plate number ng bus na ‘yan para matigil operation nila since hindi naman sila sumusunod sa protocol, ingat-ingat sa biyahe,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “You can report it to the authorities, just make sure you have evidence to proof his violations. Stay safe.”

“Sige po, pasaway pa more. Dahil sa ginagawa ninyo, baka mamaya bigla tayong bumalik sa ECQ, at mababalewala lang po ang lahat. Iyan ang nakakainis sa ilang mga Pilipino. Binibigyan mo ng liberty pero anong ginagawa? Inaabuso naman. Hindi responsable sa pagtupad. Simpleng protocols lang naman hindi masunod,” pahayag ng isa.

Malinaw sa ibinigay na guidelines na dapat ay may tiyak na agwat ang mga pasahero sa loob ng bus. Hangga’t maaari ay nasa kalahati lamang ng kapasidad ng bus ang maisasakay upang matiyak pa ring nasusunod ang social distancing sa loob nito. Kailangan ding kuhanan ng temperatura ang mga pasahero sa pamamagitan ng thermal scanner bago payagang pumasok sa loob ng bus. Bawal din ang mga nakatayong pasahero.

Imahe mula sa Facebook account ni Jenn Sioting

Hinihikayat naman ang mga pasahero na isumbong sa mga awtoridad ang mga pampublikong sasakyan na lalabag sa mga health protocols na ito.

Loading…