Payo ni Goma kay Mega: “Mayroong may gusto sa atin, mayroong ayaw”

Image by Sharon Cuneta via Facebook/Image by Richard Gomez via Facebook
  • Pinayuhan ni Richard Gomez si Sharon Cuneta na tanggapin na hindi lahat ay nalulugod sa kanila
  • Siya man umano ay nasasaktan at sumasagot din dahil tao lamang
  • Saad ni Sharon Cuneta, nagtataka siya kung nasaan ang moral compass ng kanyang mga kababayan

Pinayuhan ni Ormoc City Mayor Richard Gomez si Megastar Sharon Cuneta na tanggapin ang katotohanan na hindi lahat ay nalulugod sa kanila.

Image by Richard Gomez via Facebook

Nasabi ito ng beteranong aktor nang tanungin siya ni Ogie Diaz sa panayam kung ano ang maibibigay niyang payo kay Cuneta ngayong may pinagdaraanan ito maging sa kinasasangkutan ng anak nitong si Frankie Pangilinan.

“Yon ang problema, kasi sa social media anybody can just post anything — pag-post ng opinyon nila, post ng galit nila. Siguro tayong mga artista, we have to accept the fact na mayroong may gusto sa atin at mayroong ayaw,” sabi nito.

Dagdag niya, masakit umano ito minsan at kahit siya mismo ay sumasagot dahil tao lamang siya at nasasaktan din. Madali rin umano siyang mapikon kaya’t dine-delete o bina-block na lamang niya ang mga ito.

Matatandaang nagsampa ng kaso si Cuneta sa ilang mga netizens na nagbanta ng masama sa kanyang anak.

Sinabi ng Megastar noong Huwebes na nagtataka siya kung nasaan na ang moral compass ng kanyang mga kababayan na napakadaling magbitiw ng masasakit na salita.

Image by Sharon Cuneta via Facebook

“Kay tatapang na nating magbitiw ng ‘di lang masasakit kung ‘di ‘di malunok na mga salitang parang hindi tayo magkakababayan. Masyado nang tino-tolerate, kung ‘di man ine-encourage — at karamihan ay binabayaran pa para manira ng kapwa,” sabi nito.

Wika pa niya, ipinapasa-Diyos na lamang niya ang lahat dahil Siya daw ang totoong may kontrol sa lahat ng tao at hindi ang tao na pinipilit kontrolin ang lahat.

“Bukas puwede magunaw ang mundo kung nanaisin ng Diyos. Dapat ang kaluluwa mo ang sure na ihanda mo. Ganon lang po. God bless us all,” aniya.

Image by Sharon Cuneta via Facebook

Loading…