Pinay ginawan ng miniature version ang iba’t-ibang quarantine food

  • Pinay artist gumawa ng mini version ng mga quarantine food
  • Mabibili ang mga gawa ni Scher Padilla mula P50.00 hanggang P500.00
  • Gawa ito sa polymer clay na ayon sa kanya ay matibay “with the right tools and skills”

Habang ipinatutupad ang quarantine at marami ang nananatili sa loob ng tahanan, mayroon namang nakakaisip ng maraming bagay at pagkaabalahan dahil talaga namang malikhain ang mga Pilipino.

Image by Scher Padilla via Instagram

Kamakailan lamang ay gumawa ng mini version ng ilang quarantine food ang Filipina artist-entrepreneur na si Scher Padilla ng Chibi Chan.

Ginawan niya ng miniature version ang ilan sa mga pagkaing karaniwang ipinamamahagi ng pamahalaan at mabubuting loob sa mamamayan gaya ng Lucky Me Pancit Canton, maging ang beef at chicken noodles nito.

Maliban dito, makikita rin sa kanyang Instagram account ang iba pang miniature version ng mga pagkain gaya ng french fries, soft drinks, tsitsirya, tuyo, fried chicken, biskwit at tsokoleyt. Mayroon din siyang sanitary wares gaya ng alk0hol at face masks.

Batay sa Good News Pilipinas, sinabi ni Padilla na isa ang paggawa ng mini versions ng mga pagkain sa pinagkakaabalahan niya ngayong quarantine period.

Ibinebenta niya ang mga gawa mula P50.00 hanggang P500.00 sa kanyang Chibi Cravings business na sinimulan noong Hunyo 2018.

Ayon sa Inquirer, nakuha niya ang ideya sa mga kinokolektang Japanese miniatures at naisipang gumawa ng Filipino version ng mga ito.

Image by Scher Padilla via Instagram

“I got my inspiration sa lahat ng kinakain ko, I actually choose which miniature to make next depende sa last meal ko. I like breakfast food so much kaya favorite ko po is my mini silog plates and pandesal,” sabi niya.

Para sa kanyang masterpiece, gumagamit siya ng polymer clay na ayon sa kanya ay matibay “with the right tools and skills.”

Image by Scher Padilla via Instagram

Karagdagan, isa rin siyang toy collector at freelance graphic artist.

Ibinabahagi niya ang kanyang polymer clay tutorials sa kanyang YouTube channel.

“That’s part of my goals as an artist, I’d love to share what I do.”

Tara na’t silipin ang kanyang mga video tutorials sa kanyang YouTube channel na Chibi Cravings!

Loading…