Plano ng DepEd na bigyan ng laptop ang 800,000 guro isang impossible dream – Sen. Gatchalian

Imahe mula sa DepEd
  • Impossible dream ang plano ng DepEd na bigyan ng laptop ang 800,000 public school teachers
  • Ito ay dahil umano sa limitasyon ng budget ng pamahalaan
  • Ang pinakamainam na suportang maibibigay sa mga guro ay bigyan ng “load” at ang pagpapagamit sa kanila ng mga paaralan bilang WiFi hubs

Isang “impossible dream” ang plano ng Department of Education (DepEd) na bumili ng mga laptop na ipamamahagi sa 800,000 public school teachers sa Pilipinas, sabi ni Senator Sherwin Gatchalian; ang chairman ng Senate Committee on Basic Education, Culture and Arts.

Imahe mula sa DepEd

Ang nasabing komento ay ibinulalas ng senador isang araw matapos iprisinta ng DepEd sa kanyang komite ang ginagawa nitong preparasyon para sa paglulunsad ng online at distance learning sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“Impossible dream ‘yan,” bulalas ni Senator Gatchalian sa isang virtual hearing nang tanungin siya kung ano ang kanyang komento sa plano ng DepEd na bigyan ng laptop ang bawat public school teachers sa buong bansa.

Aniya, hindi kakayanin ng pamahalaan dahil sa kakulangan ng budget.

“‘Yung laptop…bibigyan isa-isa? Hindi kakayanin ‘yan, knowing our budget limitations,” anang senador.

Ayon pa kay Sen. Gatchalian, ang pinakamainam na maitutulong sa mga guro ay bigyan ng “load” o kaya ay ipagamit sa kanila ang mga paaralan bilang WiFi hub.

“The best support is load or puwede gamitin ng teachers ‘yung school as a WiFi hub,” anang senador.

Sa ginawang virtual hearing senate committee, napag-alaman ni Sen. Gatchalian na 40% pa lang ng mga guro ang nabigyan ng training sa distance learning. Nasurpresa rin ang senador nang malaman na aabutin ng 30 hanggang 60 days ang printing ng mga learning materials na ipamamahagi sa mga mag-aaral.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Win Gatchalian

Napakalaking  hamon daw ang kinahaharap ng DepEd sa ilulunsad na distance learning na inaasahang sisimulan sa August 24.

Umaasa ang senador na bago dumating ang nasabing petsa ay na-train na lahat ng mga guro at kumpleto na ang mga learning materials.

Source :

Facebook, ABS-CBN

Loading…