Plano ng MMDA na kasuhan, pagmultahin ang grupong gumawa ng makeshift bike lane kinondena ni Sen. Tolentino

  • Malupit umano ang plano ng MMDA na kasuhan at pagmultahin ang cyclist group na naglagay ng temporary bike lane sa Commonwealth Avenue, Quezon City
  • Sinabi ni Sen. Tolentino na wala siyang nakitang masama sa ginawa ng grupo
  • Nangako naman ang MMDA na hindi na itutuloy ang planong pagsasampa ng kaso at pagpapataw ng multa sa Bikers United Marshalls

Kinondena ni Senator Francis Tolentino ang plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pagmultahin ang mga miyembro ng isang cyclist group na naglagay ng temporary bike lane sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City para sa mga mamamayang nagbibisikleta sa unang araw ng general community quarantine sa Metro Manila.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Francis Tolentino

“Today as we celebrate World Bicycle Day, it has come to my attention that the MMDA who promised to put up bicycle lanes plan to sue and slap 1,000 pesos fine on the alleged misuse of Commonwealth Avenue yesterday by some bikers who are really going to work,” pahayag ni Sen. Tolentino na dati na ring naging chairman ng MMDA.

Walang nakitang masama ang senador sa ginawa ng grupong Bikers United Marshalls. Masyado umanong malupit ang planong pagsampa ng kaso at pagpoataw ng multa sa mga mamamayang may magandang hangarin.

“Wala po akong nakikitang masama doon. Ang ginawa po nila, they took decisive action to protect themselves as bicycle users because our government agencies have failed to put up the bicycle temporary markers. I think this is too harsh a penalty to impose on well-meaning citizens that are just going to work,” anang senador.

Nagpahayag naman ang MMDA na hindi na itutuloy ang planong pagkaso at pagmulta sa grupo, subalit binigyang-diin nito na hindi ito-tolerate ng ahensya ang mga magsusulputang bike lanes nang walang pahintulot mula sa local government units at sa MMDA.

Imahe mula sa Bikers united Marshalls

Paalala ni MMDA Spokesperson Celine Pialago, maaaring maganda ang intensyon, pero ang batas ay batas.

Samantala, naglabas ng statement ang Bikers United Marshalls na patuloy silang magbibigay ng tulong at suporta sa mga kapwa bikers.

Imahe mula sa Bikers United Marshalls

Loading…