Printing shop sa Malabon, libreng nagpi-print ng student worksheets sa pagnanais na makatulong

  • Libreng serbisyo ang alok ng isang printing shop sa Malabon para sa mga mag-aaral na nangangailangan ng printed worksheets
  • Batid ni Marvin Dungao – na siyang may-ari ng printing shop – ang pangangailangan ng mga estudyante, lalo na’t mariing iminumungkahi ng pamahalaan ang flexible learning sa mga paaralan
  • Aniya, limitado sa sampung pahina ng worksheet bawat estudyante ang maaaring ipa-print sa kanila kada araw

Inilunsad ng isang printing shop owner ang isang mabisang pamamaraan upang makatulong sa mga mag-aaral na patuloy na nagsisikap  sa kabila ng pandemiya.

Imahe mula sa Free Student Worksheets Facebook page

Sa post ng netizen na kinilalang si Marvin Dungao, ipinabatid niya ang pagnanais niya na pagaanin ang isa sa mga alalahanin ng mga estudyante pati na rin ng mga magulang sa pag-aaral, kasabay ng mariing iminumungkahi ng pamahalaan ang pagpapatupad ng flexible learning sa mga paaralan.

“We have been receiving a lot of inquiries for printing worksheets from DepEd commons for kids in the past days,” sabi nito sa post.

“So as a small contribution to the community, you can have your student worksheet printed here for free,” pahayag niya.

Ayon kay Marvin, ito ang naisip nilang paraan upang makatulong sa mga mag-aaral ngayong nasa kalagitnaan ng krisis ang karamihan.

Paglilinaw pa nito, limitado sa sampung pahina ng worksheet bawat estudyante ang maaaring ipa-print sa kanila kada araw hangga’t mayroon silang suplay ng ink at papel.

“Any worksheet colored or BW, we will print it for free. Just send us the file or bring it here,” sabi pa niya.

Bukas din umano ang kanilang libreng serbisyo sa lahat, pati na sa mga magulang na nais magpa-print ng worksheets ng kanilang mga anak, basta maaaring kunin nang personal ang mga pinaprint na dokumento.

Imahe mula kay Marvin Dungao | Facebook

“Why just ten? This is just the start while we study how this will work. We just want to avoid abuses from those who will take advantage and sell these printed worksheets to parents,” paglilinaw nito.

“Anyway if you need more, you can always come back tomorrow,” dagdag rin niya sa post.

Para sa mga nais magpaprint, maaari lamang na i-send ang file sa Facebook pages na DPI Print Solutions Malabon, Orange Purple Studio o Free Student Worksheets na siyang ginawa ni Marvin para dito.

Hinamon rin niya ang ibang printing shop na gawin ang pagbibigay ng libreng serbisyo sa mga mag-aaral na kailangan ng worksheet upang makatulong rin sa iba.

Source :

Facebook

Loading…