Public school teachers humihiling sa DepEd ng P1,000 per month na internet allowance

  • Grupo ng mga public school teachers humihirit sa DepEd ng P1,000 a month internet allowance
  • Ang yearly P3,500 “chalk allowance”na ibinibigay sa mga guro ay hindi sapat sa pangangailangan sa online teaching
  • Ang karagdagang P1,000 a month internet allowance ay maaaring hindi pa rin sapat, subalit malaking tulong na ito sa mga guro

Humihiling sa Department of Education (DepEd) ang mga public school teachers ng P1,000 a month na internet allowance para matustusan ang pangangailangan nila sa pagsasagawa ng online teaching.

Imahe mula sa Edukasyon Blog

Ang Teachers’ Dignity Coalition, isang grupo ng mga guro na may humigit-kumulang 30,000 members, ay humihiling sa DepEd na madagdagan ang “chalk allowance” na nagkakahalaga ng P3,500 na natatanggap nila kada taon.

“With this drastic change in teaching and learning approaches, our teachers will need to upgrade their technological capacity and digital access,” sabi ni Ildefonso Enguerra III, isang guro sa Roxas High School, Manila at ang pangulo ng TDC-NCR Teachers’ Union (TDC-NCRTU) – ang regional chapter ng TDC sa Metro Manila.

Aminado si Esguerra na ang P3,500 “chalk allowance” – na katumbas daw ng P16 a day – na ginagamit nilang pambili ng mga materials para sa classroom teaching ay nakakatulong sa mga guro, subalit kakailanganin nila ng karagdagang pondo para maisagawa ng maayos ang online learning.

“Our experience in the first week of enrolment alone- where we were tasked to enlist the children online through social media, text messages and calls – shows that we will be needing more assistance to deliver the expected output of distance education,” paliwanag niya.

Imahe mula sa Saksi Ngayon

Aniya, ang isanlibong piso kada buwan para sa internet allowance ay maaring hindi pa sapat, subalit malaking tulong na raw ang naturang halaga para sa mga guro.

Hinihikayat din ng TDC  ang mga local school boards na ang pondong nakalaan sa school building construction, repair and maintenance at sports facilities and activities ay gamitin na lang muna sa technological needs ng mga guro at mag-aaral.

Ayon naman sa grupong Alliance of Concerned Teachers-Philippines, ang mga guro ang kawawa sa planong distance learning.

Ang P3,500 yearly chalk allowance ay sapat lang daw para sa dalawang buwang internet bill. Tataas din umano ang electricity bill ng mga guro dahil sa distance learning.

Imahe mula sa Alliance of Concerned Teachers-Philippines

Loading…