Puwede na mag-disco, pero bawal makipagsayaw sa hindi kakilala sa mga nightclub sa Barcelona

Imahe mula sa Spain News
  • Mga may-ari ng disco houses at nightclubs sa Spain, nagreklamo sa pagbabawal makipagsayaw sa mga taong hindi kakilala
  • Una nang inalis sa Barcelona ang dance ban subalit binawi ng regional government ang desisyon
  • Ang pagbabawal ay magreresulta lang umano sa mga illegal gatherings na kung tawagin ay “botellons’

Umangal ang mga may-ari ng mga discotheques sa Barcelona sa Spain sa desisyon ng lokal na pamahalaan ng Catalonia na ipagbawal sa mga disco houses at nightclubs ang pakikipagsayaw sa mga taong hindi kakilala.

Imahe mula sa Spain News

“Gusto naming sumayaw” ang nagkakaisang pahayag ng mga nightclub owners bilang tugon sa biglang pagbawi sa unang desisyon na payagan na ang pagbubukas ng mga disco houses.

Noong nakaraang linggo ay inalis na ng Catalan regional government ang dance ban sa mga nightclubs at discos nang magluwag ang Spain sa ipinatutupad nitong istriktong COVID-19 lockdown protocols. Ngunit ilang araw lang ang lumipas ay binawi nito ang nasabing desisyon.

Sinabi ng lokal na pamahalaan na dapat ilayo sa dance floor ang mga tao at kung maaari ay lagyan ng mga tables and chairs ang dance floor upang walang makapagsayaw.

Pinapayagan naman na magbukas ang dance floor sa mga hotels at restaurants kung ang gagamit nito ay isang grupo ng mga tao na magkakakilala, palagi nang magkakasama at may close contact sa isa’t isa.

“They stop us from dancing even though that is what we all like the most,” sabi ni Ramon Mas, ang presidente Barcelona discotheque federation, sa ginanap na regional parliament hearing.

“A night club without dancing is like an opera without music or a restaurant without food. We will not reopen if we cannot let people dance,” pahayag pa ni Mas.

Imahe mula sa The Locals

Ang pagbabawal ay magreresulta lang umano sa mga ilegal na pagtitipon sa mga lansangan upang mag-party. Tinatawag sa Spain ang ganitong pagtitipon bilang “botellons.”

“Already more than 4,000 illegal parties and hundreds of botellons and house parties have been detected,” pagsisiwalat ni Mas.

Ang Spain ang isa sa mga bansa sa Europa na pinakamatinding tinamaan ng COVID-19. Umabot sa 28,300 ang bilang ng mga mamamayang na hindi nakaligtas sa virus.

Hinihikayat ng pamahalaan ang pagsusuot ng face mask at social distancing  ng at least 1.5 meters.

Screenshot mula sa The Olive Press video
Source :

Spain News

Loading…