Quarantine period para sa pasyenteng nakarekober sa COVID-19, posibleng paikliin

Imahe mula sa DF Balita
  • Quarantine period para sa mga nakarekober sa COVID iiklian
  • Ito ay matapos ang panibagong findings tungkol sa virus
  • Pumanaw ang isang dating kongresista sa Cebu dahil sa coronavirus

Mula sa kasalukuyang 14 na araw, posibleng paikiliin hanggang isang linggo o 7 araw na lamang ang quarantine period para sa mga nakarekober mula sa COVID-19; ito ang inilahad ng Department of Health (DOH).

Ito ay matapos umanong madiskubre na hindi na nakahahawa o nagiging ‘non-infectious’ na ang isang taong gumaling sa coronavirus makalipas ang 10 araw.

imahe mula sa DF Balita

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, pinag-aaralan na ng ahensiya ang posibibildad na gawin na lamang pitong araw ang quarantine period para sa mga nakarekober sa virus.

“These findings came out, I think, two weeks ago. It is said that there is evidence showing that patients who have been confirmed positive… are already non-infectious,” anang opisyal.

Sa pinakahuling tala ng DOH, umabot na sa 34,803 ang kaso ng may COVID-19 sa bansa matapos madagdagan ng panibagong 738 nitong Sabado, ika-27 ng Hunyo.

Imahe mula sa DOH

Umabot naman sa 9,430 na ang nakarekober habang 1,236 na ang pumanaw na mga pasyente.

Samantala, sa Central Visayas, na itinuturing na ngayong ‘ground zero’ ng coronavirus sa bansa, ay nakapagtala na ng mahigit 7,000 kaso ng COVID-19 (as of June 26).

Isa sa pinakahuling fatality ng virus si Cebu City councilor at dating kongresista na si Antonio Cuenco na yumao sa edad na 84 nitong Sabado lamang.

Loading…