“Real-life Darna” sketch ng graphic designer para kay Angel Locsin, pinusuan ng libo-libong netizens

Imahe mula kay Klayton Ramos
  • Real-life Darna sketch ng isang graphic artist pinusuan ng libo-libong netizens
  • Ang sketch ay kawangis ni Angle Locsin na nakasuot ng Darna costume
  • Katulad ni Darna, si Angel Locsin (ang real-life Darna) ay hindi nangangailangan ng papuri at mas importante sa kanya ang pagtulong sa kapwa

Kamakailan lang ay nag-viral sa social media ang mga larawan ni Angel Locsin na nagpapakita ng malaking pagbabago sa kanyang pigura.

Imahe mula sa Kapamilya Online World

Naghatid ito ng inspirasyon at positivity sa marami dahil sa ipinakita niyang confidence sa sarili malaki man ang nadagdag sa kanyang timbang.

“Angel Locsin’s confidence on her new body made her more beautiful. Darna as always. Angel Locsin is a living proof that weight doesn’t define beauty,” Facebook post ng Kapamilya Online World.

Si Angel ay naging popular sa  pagganap niya sa telebisyon noong 2005 bilang Darna, isang fictional Pinay superheroine.

Nitong ilang nagdaang buwan ay binansagan ang aktres bilang isang real-life Darna dahil sa walang-sawang pagtulong na ibinibigay niya sa mga ospital at mga taong lubos na naapektuhan ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Marahil ay ito ang nag-udyok sa isang graphic designer upang gumawa ng sketch ni Angel Locsin na nakasuot ng Darna costume. Tinawag niya itong real-life Darna na sinundan ng mga hashtags na #sigawdarna at #speedpainting.

Libo-libong netizens ang nagbigay ng komento at reaksyon sa “real-life Darna” sketch ng artist na si Klayton Ramos na ipinost niya sa kanyang Facebook account.

Imahe mula kay Klayton Ramos

Habang isinusulat ang kuwentong na ito, nai-share na ang post ni Klayton nang mahigit 26,000 at mahigit 1,500 netizens ang nagbigay ng kanilang komento na halos lahat ay pawang positibo.

Mahigit 51,000 naman ang reactions sa nasabing sketch at ang karamihan dito ay mga “Love” o “Heart” emoji na umabot sa mahigit 43,000. Mahigit 4,300 naman ang nag-“Like” at mahigit tatlong libo ang nagbigay ng “Care” emoji.

Tinanong ni Jerry Olea ng Pep si Klayton Ramos nang makapanayam niya ito sa pamamagitan ng Facebook messenger kung ano ang naging inspirasyon niya sa ginawa niyang sketch. Narito ang sagot ni Klayton:

“Darna is just an ordinary girl. She aims to help no matter what other people would think of her as long as she can be a catalyst to this world. She is careless about her body as long as she can help other people. Like Angel Locsin, the real-life Darna, hindi niya kailangan ng papuri dahil ang importante sa kanya ay ang makatulong sa kapwa.”

Imahe mula sa PEP

Loading…