Relate ka ba? Maine Mendoza sinabing kabisado na niya ang mga nursery rhymes sa YouTube dahil sa pamangkin

  • Kabisado na raw ni Maine Mendoza ang mga nursery rhymes sa Cocomelon at Chuchu TV dahil sa pamangkin
  • Ipinakita niya ang history ng kanyang YouTube account na puro videos na pambata dahil sa mga inaalagaang bata
  • Maraming netizens naman ang naka-relate sa pagiging instant babysitter ni Maine na walang choice kung hindi manood ng nursery rhymes online

Marami sa atin ngayong quarantine ay taga-alaga ng mga bata. Wala mang sariling anak ang iba, sigurado namang pampalipas din ng oras ang mag-alaga ng kanilang mga pamangkin, inaanak, maliit na kapatid o sinumang bata sa inyong tahanan. Aminin mo man o hindi, pero walang kasing saya ang mag-alaga ng bata, kahit nakapapagod minsan.

Maging ang mga sikat ay hindi ligtas sa pagiging instant babysitter ngayong quarantine. Isa na sa mga ito ay ang Phenomenal Star at Dubsmash Queen na si Maine Mendoza. Sa kanilang bahay sa Bulacan nananatili ang Eat Bulaga superstar kung nasaan din ang pamangking si Baby Matti na laging ala-alaga ni Maine.

Larawan mula sa Facebook

At sa kanyang tweet, sinabi ng aktres na dahil sa pag-aalaga sa pamangkin, kabisado na raw niya ang mga nursery rhymes sa YouTube channels na Cocomelon at Chuchu TV. Ang YouTube history nga niya sa iPad ay puro nursery rhyme videos na.

“Parte na ng buhay ko ang Cocomelon at Chuchu TV bilang tita at babysitter,” pahayag ni Maine sa kanyang tweet sabay pakita ng screen ng iPad niya na puro nursery rhymes nga.

Dahil sa tweet na ito, maraming tita, tito, ninong, at ninang at naka-relate. Umabot lang naman sa halos 35,000 likes at 9,400 retweets ang post na ito ni Maine. Nagpaabot din ang ilang netizens ng kanilang karanasan bilang taga-alaga ng mga pamangkin.

Ayon sa kanila, marami daw silang natuklasang nursery rhymes dahil sa pag-aalaga ng pamangkin. Lumaki na raw sila nang ganoon pero ngayon lang nalaman at nakabisado ang nursery rhyme dahil sa kauulit ng mga batang inaalagaan.

Larawan mula sa Twitter account ni Maine Mendoza

“Ganun talaga, Maine. Pag ikaw nag-aalaga, pati ikaw ma-memorize mo na lahat ng songs or episodes. Relate,” saad ng isang fan ni Maine na nakilala noon bilang Yaya Dub sa Kalyeserye katambal si Alden Richards.

Sabi naman ng ilan, practice na raw ito kay Maine kung sakaling magkakaroon na ng pamilya ang 25-anyos na Kapuso actress. Bukod kay Baby Matti, madalas ding alaga ni Maine si Baby Aria na pamangkin rin niya.

Ikaw, relate ka ba kay Maine sa pagkabisado ng mga nursery rhymes sa YouTube?

Loading…