“Pa’no makapamuhay kung ganon karami?” Rider dismayado sa 10 halo-halo dessert order na ‘di sinipot ng buyer

Image by Ramskie Rams via Facebook
  • Nadismaya ang isang food delivery rider makaraang magkaroon ng bogus customer
  • Sampung order ng Ebing’s Halo-Halo Espesyal ang inorder at hindi sinipot
  • May nakahain nang bill sa Kongreso para maproteksyunan ang mga riders sa bogus buyers

Gayon na lamang ang pagkadismaya ng isang food delivery rider makaraang magkaroon ng hindi kanais-nais na karanasan mula sa isang bogus customer na nag-order ng sampung Ebing’s Halo-Halo Espesyal.

Image by Ramskie Rams via Facebook

Translasyon sa Tagalog ng post ni Ramskie Rams sa Facebook, “Sampung order, kanselado lang? Papaano na ako makakapamuhay kung ganoon karami. Please bogus buyer! Nagtatrabaho kami nang maayos sa #Streetby.”

Marami naman ang nagbigay ng komento dito. Sabi ng isa, “Sino ba naman kasi ‘yang nag-order na ‘yan na feeling rich tapos wala naman palang pera.”

“May mga tao kasing order nang order tapos kapag ibibiyahe na ay magtatago. Anubayan!”

Ngayong may ipinatutupad na quarantine measures bilang pag-iingat sa COVID-19, pinaalalahanan ang lahat na huwag nang lumabas kung ‘di gaanong importante ang lakad.

Oportunidad naman ito sa delivery sector kaya naman marami sa nawalan ng trabaho ang lumipat sa food delivery works. Kaya lamang, kasabay nito ang pagdami ng mga nananamantala at nag-oorder tapos hindi sisiputin. Kawawa tuloy ang mga riders.

Because Delivery is Late, Customer Cancels Order and Throws Food at Rider

Kamamakailan lamang, trending din ang isang food delivery rider na nahuli sa pagdating ngunit sa halip na pakinggan ang pagpapaliwanag nito ay itinapon pa umano ng customer ang order na umabot sa P800+ ang halaga.

Photo credit: Pilipinas Trending Viral / Facebook

Para masolusyunan ito, inihain ni AKO Bicol Party-list Rep. Alfredo Garbin ang House Bill 6958 o Food and Grocery Delivery Services Protection Act para ipagbawal ang pagkansela sa nakumpirma nang order o hawak na ng rider ang produkto.

Pasok sa bill ang “instances wherein customers order food and/or grocery items for the purpose of pranking or those who have no genuine intention of availing of the services which causes damage and undue duress to the delivery riders and their corresponding service providers.”

Image by Ako Bicol Partylist via Facebook

Loading…