Rita Avila ipinagtanggol si Angel laban sa mga body-shamer: “Kawawa naman kayo”

Imahe via RIta A. Instagram| Jhayvee Lhatina Faceboo
  • Rita Avila ipinagtanggol si Angel laban sa mga body-shamer
  • Naaawa na lamang daw siya sa mga tsismoso at inggitero
  • Subalit wala na raw siyang magagawa para sa kanila

Matapos mag-viral sa social media ang larawan ni Angel Locsin kung saan mapapansing nadagdagan ang  kaniyang timbang, maraming netizens at artista ang nagpahayag ng suporta kay ‘Darna’.

Isa na rito si Rita Avila na buong-tapang na ipinagtanggol si Angel laban sa mga bashers at kumukutya sa paglaki ng katawan nito.

Sa isang prangkang post ni Rita sa Instagram, sinabi nitong nakatanggap umano siya ng drawing ni Angel na naka-Darna costume subalit ibinase sa bago nitong katawan.

Imahe screenshot mula sa Instagram post ni Rita A.

“Ang sabi ko sa nagpadala ay maganda ang pagtanggap ni Angel sa kanyang katawan. Sa mga makapintas lang, kawawa naman kayo,” panimula ni Ms. Rita.

Dagdag pa ni Rita, nahaharap sa maraming problema ang sambayanan sa gitna ng pandemiyang COVID-19 at nalulungkot siya na ang ilan sa mga Pilipino ay nakuha pa ring mamintas ng kapwa.

“So many are celebrating Angel’s confidence and acceptance. Siya MASAYA at MABUTI. Eh kayo? Sa gitna ng Covid-19, mga sakit, gutom at kawalan ng hanap-buhay, bibig at malisyosong isip n’yo ay gumagana pa din. Saklap,” anito.

Imahe mula sa Facebook post ni Jhayvee Lhatina

Naaawa na lang daw siya para sa mga mapamintas pero wala siyang magagawa para sa kanilang mga tsismoso at inggitero.

“KAWAWA ang mga namimintas, mga chismoso chismosa, inggitero inggitera, kasi may PAGKUKULANG sa puso at isip nila. Pag ‘di pa rin ito naintindihan nung nagsabi sa akin na wag sila tawaging KAWAWA ay mababaw pa sa sabaw ang utak. Wala na akong magagawa sa iyo,” pahabol pa ni Rita sa comment section ng kaniyang post.

Magugunitang nag-trending sa social media ang nasabing larawan ni Angel Locsin matapos itotng ibahagi ng isang netizen. Kuha ito mula sa taping ng bago niyang programa sa Kapamilya Channel na Iba ‘Yan.

Kamakailan ay naglabas ng pahayag si Angel para sagutin ang mga body-shamers: “May mga bagay kasi na hindi mo dapat gawin sa kapwa mo. Kung ang taong ito comfortable siya sa ginagawa niyang ‘yan, ayaw kong mag-deal sa mga gano’ng klaseng tao. Kasi sad ang life niya. Kasi ako, wala akong problema. Bakit ikaw? Ang dami mong isyu? Ako nga, walang isyu eh. Katawan ko ‘to. Ako ‘to. Sarili ko ‘to. “

Loading…