Sa dami ng COVID-19 cases, Cebuano doctor humingi ng tulong sa mga retired colleagues at mga pa-abroad na nurses

Imahe mula sa Cebu CIty Public Information Office
  • Doktor humingi ng tulong sa mga retiradong doktor at mga nurses na patungong abroad na tumulong sa COVID-19 outbreak sa Cebu City
  • Pagod na raw ang mga doktor at nurses sa mga ospital na punung-puno ng mga COVID-19 patients
  • Sinabi ni Sec. Roy Cimatu na maaaring sumulat sa kanya ang mga ospital ng request para sa karagdagang health professionals upang makahingi siya ng tulog sa DOH

Dahil sa patuloy na pagdami ng mga bagong COVID-19 cases sa Cebu City, isang doktor ang umapela sa kanyang retired colleagues at sa mga nurses na naghihintay ng tawag para sa trabaho sa abroad na tulungan ang mga kapwa Cebuano sa panahon ng pangangailangan.

Imahe mula sa Cebu City Public Information Office

Umapela si Dr. Rene Josef Bullecer, may-ari ng isang private clinic na nagsisilbi rin sa isang ospital at kasalukuyang may 30 pasyente ng COVID-19, sa kanila na tulungan ang mga pagod na pagod nang mga doktor at nurses sa mga ospital na umaapaw na sa pasyente dahil sa pandemya.

“As a health-care professional, I urge able doctors to serve the city. In the medical profession, there is no such thing as retirement,” aniya.

“In the same manner, I know there are hundreds of nurses in the city who are still waiting to work abroad. I hope they will come out and make themselves available since this is the time to help each other,” sabi pa ng doktor na country director ng isang Roman Catholic group na nagbibigay ng impormasyon upang makatulong na mapigilan ang paglaganap ng COVID-19.

Dr. Rene Josef Bullecer/ Imahe mula sa HLI

Naglabas din ng pahayag ang Cebu Medical Society sa kalagayan ng health system ng Cebu City. Ang lahat daw ng mga private hospitals na tumatanggap ng mga COVID-19 cases ay puno na.

Undermanned na ang mga ospital at kulang din umano ang kanilang mga essential medical equipment, habang ang kanilang mga doktor at nurses ay nagkakasakit at pagod na pagod na.

“Our problem is also the staffing, ‘yung nurses are afraid. I was talking to our CCO (chief clinical officer) nurse, they’re going to resign because they’re afraid. I think we have to…if you’re in a war, dapat mag-retreat muna tayo, re-arm, ‘yung nurses are very low in morale,”  pahayag ni Dr. Peter Mancao, public relations officer ng Cebu Medical Society.

Iminungkahi naman ni Dr. Daisy Villa, ang city health officer, na ilipat sa mga quarantine facilities ang mga COVID-19 patients na may mild symptoms upang ma-decongest ang mga pagamutan.

Sec. Roy Cimatu/Imahe mula sa Cebu City PIO

Samantala, sinabi ni Secretary Roy Cimatu, ang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang overseer sa COVID-19 response sa Cebu City, na maaaring sumulat sa kanya ang mga ospital ng request para sa mga karagdagang doktor at nurses upang masabihan niya ang Department of Health na magpadala ng mga health professionals.

Loading…