Self-taught Igorota, nakamamangha ang mga gawang wire sculpture

Image by DME DIY arts & crafts via Facebook
  • Artwork na gawa sa kawad ng self-taught Igorota, patuloy na nagpapamangha
  • Nagsimula siya sa paggawa ng jewelry noong nakaraang taon, sculpture naman ngayong may pandemya
  • Tumatagal ng linggo hanggang buwan bago matapos ang isang obra depende sa laki o disenyo

Nakamamangha ang mga gawang wire sculpture ng Igorota na si Mich Camolo, at ang mas kapuri-puri pa rito ay hindi nag-aral si Camolo ng iskultura; bagkus ay natutunan niya ito sa kanyang sarili lamang.

Image by DME DIY arts & crafts via Facebook

Makikita sa kanyang Facebook page na DME DIY arts & craft ang mga mahuhusay ang pagkagawang wire sculpture kagaya ng mukha ng tao, sumasayaw na tao, puno at iba’t-ibang uri ng hayop; maging dragon.

Pagbabahagi ng The Cordilleran Sun, nagsimula ang paggawa ni Camolo ng wired jewelries noong nakaraang taon.

Ngayong may ipinatutupad na lockdown, sinimulan niyang gumawa ng mas malalaki at mas komplikadong iskultura.

Nabanggit din na umaabot ng linggo hanggang buwan bago matapos ang isang obra; depende sa laki at disenyo.

Ordinaryong uri ng wire ang ginagamit ng artist kasama ang pares ng pliers para makagawa ng mga nakamamanghang sculpture.

Habang ibinabahagi ito, nakaabot na sa 2,800 reaksyon at higit 690 pagbabahagi ang post ng The Cordillera Sun. Humakot naman ng maraming papuri ang Igorota.

Sabi ng isang netizen, “Wow! Her artworks deserve so much more recognition, it would be nice if she could be featured in an art gala or an art exhibit. This art is rare, I wish the artist more power and I hope her artworks will someday get the attention and recognition it deserves.”

Image by DME DIY arts & crafts via Facebook

Komento pa ng isa, “Very nice artwork, so talented. Keep up the good work. You’ll soon be recognized. God bless you. Ikaw ang magtatayo sa aming mga kababayan mo. Keep your feet on the ground.”

Tunay ngang kahanga-hanga ang angking talino na ito ng Filipina!

Image by DME DIY arts & crafts via Facebook

Loading…