“Selfie” ng bagong panganak na aso kasama ang kanyang mga tuta, nagdulot ng good vibes

  • Kinaaliwan ng mga netizens ang ‘selfie’ ng isang aso
  • Makikita rin sa kaniyang selfie ang kaniyang limang tuta
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Itinuturing na “man’s best friend” at isa sa mga paboritong pet ng mga Pilipino ang mga aso. Anumang breed ito, halos lahat yata ng mga pamilyang Pilipino ay may isang alagang aso, o nagkaroon man lamang ng pagkakataong mag-aruga nito.

Marami sa mga certified dog lover ang magpapatunay na ang pag-aalaga ng aso ay parang pagaalaga rin ng tao. Ang iba, itinuturing silang parang mga tunay na anak. Itinuturing na kapamilya. Ginagastusan, kaya ng isang tunay na sanggol. Kaya naman, labis na kinagiliwan ng mga netizens ang isang aso na tila “nag-selfie” kasama ang kaniyang mga iniluwal na tuta. Makikita ito sa Facebook page na “Papa”.

Imahe mula sa Facebook page na Papa

Bagama’t mukhang nag-selfie nga ang aso, ito ay malamang na kuha ng kaniyang amo na natuwa sa kaniyang alagang nagsilang ng limang cute na cute na tuta, na iba-iba ang kulay.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula a mga netizens.

“Ang cute naman ng mag-iina, hahaha. Parang nag-selfie nga si Mother Dog at ipinakita niya ang kaniyang mga supling, na proud na proud siya,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Nakaka-good vibes talaga ang mga aso! Especially ang mga puppies. Alagaang mabuti ang mga doggies!”

“May pamahiin sa amin na kapag ang aso raw ay first time nanganak, kailangan daw ipamigay ang mga tuta. Kasi kapag hindi raw ipinamigay, papanaw ang mga tuta. Sayang naman. Parang totoo naman kasi nawala lahat ng mga tuta namin kasi hindi namin pinamigay,” sabi naman ng isa.

Public Domain Image

Pet dog ni Heart Evangelista na si “Panda”, ginaya ang amo sa pag-awra

Sa Pilipinas, isa sa mga kilalang personalidad na may malaking pagmamahal para sa mga aso, pusa at iba pang mga hayop ay ang aktres na si Heart Evangelista, na misis ni Senador Chiz Escudero. Bukas na aklat para sa lahat kung paano niya alagaan ang kaniyang mga pet dogs, lalo na ang kaniyang inampong si “Panda”.

Loading…