Sen. Imee Marcos, nanawagan sa DICT na bigyan ng prayoridad ang pagpapabilis ng internet sa bansa

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Imee Marcos
  • DICT na pinamumunuan ni Sec. Gringo Honasan binatikos ni Sen. Imee Marcos
  • Tila kulang umano sa determinasyon ang DICT na ma-improve ang internet speed sa Pilipinas
  • Nais ding malaman ng senadora kung ano na ang nangyari sa third telco

Pinuna ni Senator Imee Marcos ang tila kakulangan sa determinasyon ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na ma-improve ang mabagal na internet speed sa bansa sa gitna ng malinaw na paglipat ng buong mundo sa mga digital solutions upang harapin ang hamon ng buhay sa panahon ng COVID-19.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Imee Marcos

“Step up to the call of times” ang panawagan ni Sen. Marcos sa DICT na pinamumunuan ni Secretary Gringo Honasan. Dapat umano nitong siguruhin na ang mga digital infrastructure ay mabigyan ng prayoridad na kagaya ng pagpapahalagang ibinibigay sa mga public works at transportation projects sa ilalim ng “Build,Build,Build” infrastructure program ng pamahalaan.

Anang senador mula sa Ilocos, dapat mag-level up ang DICT dahil nangungulelat na ang Pilipinas sa buong Asya pagdating sa internet speed.

“Let’s level up, DICT! The Philippines is Asia’s laggard when it comes to internet speed, at only 3.5 mbps. Upgrading the country’s digital capacity is urgent and long overdue,” panawagan ng senadora.

Mas mabilis pa nga raw ang internet sa mga mas mahihirap na bansa gaya ng Laos, Myanmar at Cambodia. At 19 hanggang 22 beses na mas mabilis ang internet speed sa mayayamang bansa tulad ng Singapore at Hong Kong kung ihahambing sa internet speed sa Pilipinas.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Imee Marcos

Batay daw ito sa Ookla Net Index, na kilala sa buong mundo sa ginagawa nitong tests sa internet performance.

“A robust digital economy is our hope for a post-COVID future! Slow internet speed plus limited online access equals a sluggish economy and a sorry standard of living, more so for local government units in more remote areas of the country,” sabi pa ni Sen. Marcos.

Nais ding malaman ng senadora kung ano na ang nangyari sa third telco. Aniya, naghihintay ang mga Pilipino sa updates ng mga proyekto ng DICT.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Imee Marcos

Loading…