Sen. Recto, hiniling sa IATF na tanggalin sa duty ng PNP ang pag-isyu ng travel pass

Imahe mula sa Official Gazette of the Republic of the Philippines
  • Hinihiling ni Sen. Ralph Recto sa IATF na alisin sa duty ng PNP ang pag-iisyu ng travel pass sa mga nais magtungo sa ibang probinsya o rehiyon
  • Ang pag-iisyu ng travel pass ay isang clerical job na naglalayo lang sa mga kapulisan sa mga mas mahahalagang responsibilidad
  • Nanawagan si Sen. Recto sa IATF na review-hin ang order nito tungkol sa pagkuha ng travel pass

Hiniling ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Disease na tanggalin na sa duty ng Philippine National Police (PNP) ang pag-iisyu ng mga travel pass.

Imahe mula sa Official Gazette of the Republic of the Philippines

Sinabi ng senador na napakarami nang responsibilidad ng PNP at ang pag-iisyu ng travel pass sa mga taong nais bumiyahe patungo sa ibang probinsya o rehiyon, na isa lang umanong clerical job, ay naglalayo sa kapulisan sa mga mas mahahalagang responsibilidad.

Marami na umanong presinto ang understaffed dahil kailangan pa nilang magmando sa mga checkpoints.

“And then they have to assign personnel to process applications for authority to travel outside a province. So an officer who should be pounding his beat is now pounding his computer keyboard,” aniya.

“Dagdag pa dito, pinapatulong pa sila sa pag-distribute ng second wave ng ayuda. So on top of being a travel visa center, they’re also a pera padala force,” sabi pa ni Sen. Recto.

Isa sa mga IATF rules ang pagkuha ng mga biyahero ng travel pass sa PNP kung hindi sila kabilang sa mga exempted individuals na pinapayagang magtungo sa mga probinsya.

Screenshot ng Facebook post ni Sen. Ralph Recto

Ayon sa senador, sapat na dapat ang medical certificate mula sa isang public health doctor upang payagang bumiyahe sa ibang probinsya ang mga tao.

“The most important requirement is the medical certificate issued by a public health doctor. The pass issued by the police has no probative value. Kapag mayroon nang medical certificate, hindi na pwede i-overrule ng pulis. Kung wanted for a criminal case, wala naman silang online database of fugitives. So where’s the value-added service?” saad pa ng mambabatas.

Sabi ni Sen.Recto, buong galang niyang hinihiling sa IATF na review-hin nito ang order na i-require ang pagkuha ng travel pass sa PNP.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Ralph Recto

Loading…