Meralco, ipatatawag ni Gatchalian sa Senado kaugnay sa ‘di maayos na paliwanag sa bills surge

Image by Sherwin Gatchalian via Facebook/Image by Meralco via Facebook
  • Opisyal ng Meralco, muling ipatatawag sa Senado para magpaliwanag sa bills surge
  • Sabi ni Sen. Gatchalian, hindi sila nasiyahan sa paliwanag ng Meralco na aniya’y mahirap intindihin ng ordinaryong mamamayan
  • Siya man din mismo ay nabigla sa biglang pagtaas ng kanilang bayarin

Muling ipatatawag sa Senado ang mga opisyal ng Meralco makaarang hindi nasunod ang pangako nitong maayos na ipaliwanag sa mga kustomer ang biglang paglobo ng bayarin ngayong panahon ng lockdown.

Image by Sherwin Gatchalian via Facebook

Pahayag ni Sen. Sherwin Gatchalian, “I will send a letter to Meralco informing them that we are not satisfied with what they have done and that we’re not happy with how they explained the bill for the month of [May].”

Matatandaang ipinangako ng electric company noong May 23 sa pagdinig ng Joint Congressional Energy Commission na magpapadala sila ng written explanation sa mga kustomer kaugnay sa inirereklamong “bill shock.”

Kaya lamang, ani Gatchalian, ang ibinigay na formula ay mahirap intindihin ng ordinaryong mamamayan.

Nakahanda umano ang mga kustomer na bayaran ang kanilang bill pero gusto rin nilang maintindihan kung ano ang kanilang binabayaran.

Nauna na nitong sinabi, “Ang tao gusto magbayad, gusto lang nila maintindihan kung ano binabayaran nila. Tiningnan ko nga kanina parang imposible naman na ganun kalaki konsumo ko in one month. Maraming doubts, maraming question marks na dapat ma-answer.”

Giit ng Senador, siya man mismo ay nabigla matapos makatanggap ng P16,000.00 bill para sa May-June reading samantalang P3,000.00 lamang ang karaniwan nilang binabayaran sa mga nakaraang buwan.

Sinabi naman ng tagapagsalita ng Meralco na si Zoe Zaldarriaga na sinisingil lamang nila ang mga kustomer batay sa nagamit ng mga ito na nakasaad sa kanilang actual meter readings.

Nasabi rin ng kompanya na ang pagtaas ng bayarin ay maaaring bunsod ng matagalang pananatili sa loob ng tahanan ngayong panahon ng quarantine.

Netizen may tips sa pagbabayad ng lumobong electric bill

Samantala, nauna nang naibahagi ng DF Balita ang FB tip ng isang netizen sa mga customers na nais makakuha ng maayos na tugon mula sa kompanya.

Loading…