Senador Cynthia Villar: “Paigtingin ang implementasyon ng batas ukol sa pangangalaga ng kapaligiran”

  • May panawagan si Senador Cynthia Villar
  • Paigtingin umano ang batas ukol sa pangangalaga sa kapaligiran at kalikasan
  • Kailangan umanong protektahan ang mga wildlife animals at kanilang natural habitat upang masugpo ang paglaganap ng mga infectious diseases na lubusang nakaaapekto sa mga tao

Nanawagan si Senador Cynthia Villar na paigtingin pa ang implementasyon ng batas ukol sa pangangalaga ng kapaligiran, lalo na ang mga lugar na itinuturing na tirahan o natural habitat ng mga wildlife animals at endangered species na may malaking ambag sa biodiversity.

Sinabi ng senadora, na siya ring chair ng Senate committee on environment and natural resources na ang patuloy na pagsira sa kalikasan ay nakadaragdag din sa pagkalat ng mga infectious diseases kagaya ng Ebola, human immunodeficiency virus o HIV, swine fever, avian flu, at maging ang COVID–19 na sinasabing nagmula sa paniki.

Public Domain Image

“The fact that they are called protected areas should already warn people about their importance. They are the natural habitats of wildlife, which should not be damaged or destroyed, but protected instead, not only for the animals’ sake but for our sake as well,” ayon sa kaniya.

Ibinahagi pa niya na ayon daw sa pag–aaral,  two-thirds ng mga sakit na puminsala sa mga tao ay nagmula sa mga hayop,  70% ay mula sa mga wild animals, na tinatawag na zoonotic diseases.

“We need to not only create awareness about biological diversity, but to take action about its protection because any damage or loss will cost too much for a country such as ours. There is so much at stake and we become vulnerable to the adverse side effects if we do not commit to taking care of our environment,” dagdag pa niya.

Nanguna si Villar sa mga nagnanais na maamyendahan ang Republic Act 7586 o National Integrated Protected Areas System (NIPAS) Act of 1992.

Nakasaad sa batas na ito ang pagtatakda ng legal framework para sa pangangalaga ng mga protected areas para sa biodiversity. Ang Expanded NIPAS Act ay naipasa noong taong 2017.

Public Domain Image

Si Senador Cynthia Villar ay kilala rin bilang isa sa mga pangunahing nagmamay–ari ng real–estate company sa bansa.

Loading…