“Si Duterte ay patulog-tulog”: Hamon ni Trillanes, si Robredo ang dapat mamuno sa IATF

Image by Sonny Trillanes via Instagram/Image by Leni Robredo via Instagram
  • Hinamon ni dating Sen. Antonio Trillanes IV ang Malakanyang na gawing IATF chairperson si VP Leni Robredo
  • Kumpara kay Pangulong Rodrigo Duterte na umano’y patulog-tulog lamang, tuloy-tuloy ang pagsusumikap ni Robredo para tumulong
  • Aniya, nakapokus umano si Duterte sa pagpapatikom sa bibig ng mga kritiko kaysa tumulong

Hinamon ni former Senator Antonio Trillanes IV ang Malakanyang na italaga si Vice President Leni Robredo bilang chairperson ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) kung gusto talaga ng gobyerno na ma-“flatten the curve.”

Image by Sonny Trillanes via Instagram

Pahayag ni Trillanes, “Kung si Vice President Leni ang mamumuno at magpapatakbo ng IATF, mas marami itong magagawa at siguradong mas maganda ang kampanya natin laban sa COVID-19.”

Dagdag ng dating Senador na kumpara kay Pangulong Rodrigo Duterte na patulog-tulog lamang umano, tuloy-tuloy ang pagsusumikap ng bise presidente na matulungan ang mga mamamayan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“Kung ang amo ni [Harry] Roque na si Duterte ay patulog-tulog, si Vice President Leni ay halos wala nang pahinga sa paghahanap ng mga paraan kung paano makatutulong sa mga Pilipino,” aniya.

Binanatan pa ni Trillanes si Duterte na aniya’y nakapokus lamang umano sa pagpapatikom sa bibig ng mga kritiko kaysa tumulong sa mga mamamayan.

Dahil sa mga kabiguan umano ng Pangulo, labis na naapektuhan ang ekonomiya at lalong tumaas ang bilang ng COVID-19 cases.

Samantala, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi na kailangang italaga si Robredo sa IATF kung talagang bukal sa loob ang layunin nitong tumulong sa mamamayan.

“She is helping in her own ways and if her intentions are genuine, there is no need for her to be appointed or designated in the Inter-Agency Task Force (IATF), as suggested by the former Senator.”

Ani Roque, kung makapagbibigay ng magandang solusyon si Robredo kung papaano ma-address ang COVID-19 ay willing ito na siya mismo ang magdala ng proposal sa IATF.

Para kay Trillanes, wika nito, ‘wag na umanong hatiin ang bansa, bagkus ay magkaisa na lamang sa paghahanap ng solusyon sa COVID-19.

Image by Leni Robredo via Instagram

Loading…