“Sidewalk treatment” sa mga OFW at construction workers na pauwi sa kanilang mga probinsya, inalmahan

  • Sa bangketa na lang sa airport natutulog ang mga stranded na OFW na gustong makauwi sa kanilang lalawigan
  • “Sidewalk treatment” ang tawag dito ng mga kritiko at sinabing hindi ito deserve ng mga OFW
  • Sinabi rin na dapat tulungan ang mga walang trabaho kabilang ang mga construction workers na walang trabaho ngayon

Noong nakaraang buwan ay naiulat ang ilang seafarers na stranded sa mga cruise ships sa Manila Bay. Nanatili ang mga manlalayag doon dahil sa matagal na paglabas ng swab test nila at ang anunsiyong cleared na sila sa C0VID-19 para makauwi sa mga pamilya nila. Matapos mag-viral online, nakauwi naman agad ang mga seafarers.

Ngayon naman, panibagong dagok ang hinaharap ng mga overseas Filipino workers (OFW) na gusto na ring makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay. Nag-viral kamakailan ang larawan ng mga OFW na kailangang matulog sa bangketa at sa ilang bahagi ng paliparan na naghihintay ng kanilang flight pauwi.

Larawan mula sa ABS-CBN via Sen. Ralph Recto page

Matapos kasing mailabas sa kanilang quarantine facilities, pinayagan nang makauwi ang mga OFW sa kanilang probinsya sa pamamagitan ng air travel. Ngunit dahil limitado ang mga flight, kinakailangang manatili nang ilang oras o aabot ng ilang araw ang ilan, sa paghihintay.

Tinawag ng ilang kritiko ang nangyayaring ito na “sidewalk treatment” na kailangan na raw ihinto. Mga bagong bayani raw ang ating mga OFW kaya dapat lang na bigyan sila ng maayos na akomodasyon habang naghihintay.

Isa sa mga umalma ay si Senador Ralph Recto. Tinawag niyang “disturbing” ang eksena ng mga OFW na sinusuong ang tirik ng araw at paminsan-minsang pag-ulan sa kahihintay. Dapat daw ay umaksiyon na ang IATF para naman matulungan at maitrato nang tama ang mga OFW.

“Kung kulang ng tao na sasalubong at aalalay sa kanila, puwedeng mag-hire. Halimbawa, kung mayroong mga sweeper flights sa ere, kailangan din ng mga sweeper teams on the ground na dadalhin sa mga hotels ‘yung mga OFWs na natutulog sa sidewalk,” pahayag ni Recto sa isang press release.

Larawan mula sa Twitter account ni Tristan Nodalo

“They deserve a red carpet treatment, not a sidewalk reception. Let us hope that this is finally the beginning of a scaled up handling of returning OFWs so that the huge global backlog in OFWs wanting to go home will be reduced.”

Ipinanawagan din ni Recto ang mga construction workers na stranded na sa Kamaynilaan na wala na ring trabaho. Kailangan daw tulungan na rin ng pamahalaan ang mga ito, kabilang ang ilang walang trabaho dahil tulad ng mga OFW, nawalan din ng kita ang mga manggangawang ito.

“As we increase capacity for domestic repatriation, we should include jobless, homeless local workers, for they, too, have as much right to government help as their overseas counterparts,” pagpapatuloy ni Recto.

Loading…