Sikat kapag may school project: Ano ang paborito mong style ng sikat na Word Art noon?

  • Binalikan ng mga kabataan at mag-aaral noon ang pangmalakasan nila sa mga school project
  • Marami kasi sa mga gustong magpabilib sa projects nila sa school ay gumagamit ng Word Art
  • Kanya-kanyang bahagi ng kanilang karanasan ang mga netizen tungkol sa sa paggamit ng MS Word feature na ito

Isang malaking  bahagi ng landas ng mga mag-aaral ay ang school projects. Ito ay mga requirement na ibinibigay ng mga guro upang buong mabigyan ng marka ang mga estudyante. Mayroong mga proyektong ginagawa ng isang grupo habang mayroon din namang dapat ipasa nang mag-isa.

At kapag pang-isahang proyekto at kailangang nakalagay sa bond paper, isa ang takbuhan noon ng mga mag-aaral na gustong maayos at maganda ang kanilang proyekto—gumagamit sila ng sikat noong Word Art.

Larawan mula sa Facebook page na Oddly Kuwentuhan

Bahagi ng sikat na computer software na Microsoft Word ang Word Art. Dito ay magagawa mong maayos at maganda ang anumang salita na nais mong mai-print sa bond paper. Karaniwan itong ginagamit ng mga mag-aaral na pangdisenyo sa cover ng kanilang proyekto.

Ito nga ang binalikan ng mga mag-aaral noon sa pamamagitan ng isang post ng Facebook page na Oddly Kuwentuhan. Ayon sa mismong post, tinanong nila ang mga kabataan noon na gumamit ng mga Word Art styles na makikita sa larawan.

Maraming mag-aaral noon naman ang tunay na naka-relate sa post. Kanya-kanya silang pahayag sa kanilang karanasan kung saan at paano nila ginagamit ang mga ito. Ang ilan daw na may computer sa bahay, tiyak na bawat project sa school ay ginagamitan ng Word Art.

Samantala, ang mga kapos naman noon at hindi pa afford ang makabili ng PC, sa mga computer shop naman gumagawa ng project para makapaglagay ng Word Art sa kanilang projects. Medyo magastos nga lang daw ito sa print dahil karamihan ng Word Art styles ay makulay.

Larawan mula sa YouTube

“Elementary days. Jusko. Naaalala ko na sa inyo pa ako nagpi-print. Ewan ko lang kung tanda mo pa. Memories,” sabi ng isang netizen.

Sa kasalukuyan ay nagbabalik pa rin sa alaala ng mga estudyante noon ang post na ito ng Oddly Kuwentuhan. Umani na rin ito ng 2,100 reactions, 300 comments, at 4,100 shares at patuloy na nagbabalik-tanaw ang mga netizens.

Loading…